Press "Enter" to skip to content

Kahit Walang Trabaho, Handog Na Computer Ni Tatay Para Sa Anak Naibigay Pa Rin!

Ika nga nila, “Gagawin ng magulang ang lahat para maibigay ang nararapat para sa kanyang anak.” Iyan ang pinatunayan ng isang tatay na kahit pa sa kabila ng pagkawala ng kanyang hanapbuhay dahil sa kasalukuyang pandemya, ang pangangailangan ng kanyang anak na computer para sa darating na pasukan ay kanya paring naibigay.

Handog para sa anak

Siya si tatay Gil Marmito, isang retired machine technician. Ang asawa ni tatay ay nawalan naman ng trabaho bilang domestic helper sa Dubai bunsod ng patuloy na umiiral na lockdown.

Malaking dagok ito para sa kanila lalo na’t malapit na ang pasukan ng kanilang anak sa ilalim ng new normal.

Kahit Walang Trabaho, Handog Na Computer Ni Tatay Para Sa Anak Naibigay Pa Rin! 2
Photo Credit: Lucky Encenarial

Bagamat mahirap, dumiskarte si tatay Gil  para mabigay sa kanyang senior high student na anak na si Sean, ang brand new computer na kanyang kakailanganin sa darating na taong-pampaaralan.

Ang diskarte ni tatay

Ipinamalas ni tatay na sa kabila ng hirap ng buhay na dala ng matinding krisis sa bansa, hindi ito hadlang para siya’y na magsumikap at lumaban sa buhay para sa pamilya.

Bilang kanyang diskarte, sinubukan ni mang Gil na mag-benta ng mga grocery item, softdrinks at bigas. Hindi niya inakala na sa kanyang pagtitinda ng mga ito, ay makakaipon siya ng P21,000 na kaniya ngang naipambili ng computer na sa saktong kaarawan ng kanyang anak niya ibinigay.

Kahit Walang Trabaho, Handog Na Computer Ni Tatay Para Sa Anak Naibigay Pa Rin! 3
Photo Credit: Lucky Encenarial

Ani tatay,

“Isa akong magulang na napipilitang bumili dahil talagang kailangan ng bata sa eskwela. Hindi porke nag-retire ka na hindi ka na kikilos. Kikilos ka pa rin para matugunan ang pangangailangan ng pamilya mo.”

Payo ng isang ama

Ani mang Gil, malayo pa man ang kaarawan ni Sean ay nag-iipon na siya dahil plano na niya talagang makabili ng computer.

Bilang kanyang pangaral sa kanyang anak,

“Anak pag butihin mo ang pag aaral kasi nagsisikap kami ng mommy mo. Nawa ay ‘wag mo kami bibiguin anak, Sean, kasi pinilit namin na mairaos ka, makatapos ka sa iyong pag aaral.”

Source: Facebook- Bernadette Reyes

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: