Browse By

Kakaiba Ang Bridal Shower Ni Ellen Adarna

Sa kabila ng pananahimik tungkol sa petsa at venue ng kanilang kasal, di mapagkakailang nalalapit na ito lalo at binigyan ng bonggang Bali-inspired bridal shower ng kanyang mga kaibigan si Ellen Adarna na ginanap sa garden ng isang pribadong lugar sa Muntinlupa noong unang linggo ng Nobyembre.

Photo Credit: Ellen Adarna IG Account

Sa mga larawan at video na ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram stories noong November 7, makikita ang aktres na nakaputing crop top at puting pantalon, headband, at sash na nakalagay ang mga salitang “bride-to-be”. Nag-change outfit din siya sa isang puting bodycon dress.

Photo Credit: Ellen Adarna IG Account

Dinaluhan ang nasabing bridal shower ng kanyang inang si Meriam at kapatid na si Mika Adarna kasama ang ilang malalapit na kaibigan. Kasama rin sa okasyon ang anak ng aktres kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto at ang anak ni Derek Ramsay na si Austin. Dumalo rin si Derek mula sa sarili nitong stag party kasama ang mga kaibigan kung saan naglaro sila ng golf.

“Family picture”

Noong November 9 naman ay nag upload si Ellen sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Derek kasama ang kani-kanilang mga anak na may caption na “The only Decent Family Picture [emoji] (ayaw ko na ng party! Ayaw ko na ng surprises! Pagod nako, pagod na kami!) Hahahah”

Photo Credit: Ellen Adarna IG Account

Timeline ng relasyong Derek at Ellen

Pebrero ngayong taon nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon. Marso 30 naman nang surpresang magpropose si Derek sa aktres sa kanyang bahay sa Alabang.

Setyembre nang nagsama ang pamilya Adarna at Ramsay sa isang pamamanhikan trip kung saan nagswimming at nagfishing sila sa Siargao. Namigay na rin sila ng kanilang “save the date” cards na may kasamang bouquet ng bulaklak sa kanilang mga ninong at ninang.

Oktubre naman nang inilabas ng dalawa sa kani-kanilang Instagram account ang mga larawan ng kanilang 90s themed prenuptial photo shoot kasama ang sikat na wedding photographers na sina Pat Dy at Chissai Bautista sa Anilao, Batangas.

Sources: Pep.ph , Inquirer.net

Leave a Reply

Your email address will not be published.