Press "Enter" to skip to content

Kakaibang Tricycle Sa Naga City, Hinangaan At Nag Viral!

Naga City – Ngayong panahon ng pandemya, kani-kaniyang diskarte sa buhay ang ginagawa ng mga Pinoy. Kaya naman pinuri at kinagiliwan ng maraming netizen ang isang tricycle drayber na walastik sa kakaibang pakulo nito sa loob kaniyang tricycle.

Viral photo

Pinuri ng netizen na si Pat Infeliz Bernal ang tricycle driver na si Manong Pete Lapira ng Naga City, Camarines Sur dahil sa pagpapahalaga nito sa kapakanan ng kanyang mga pasahero sa kabila ng banta at panganib ng pandemya.

Kakaibang Tricycle Sa Naga City, Hinangaan At Nag Viral! 2

Ipinakita nito ang litrato ng traysikel na sinakyan ngayong araw habang papauwi siya mula sa kaniyang pinuntahan. Kwento ng uploader, bukod sa malinis na ang laman ng traysikel ay mabait pa ang drayber nito.

Ani ni Pat,

“SALUTE to the owner and driver of this tricycle! Ang linis, very comfortable at ang bango pag nakaupo kana sa loob. Sana lahat ng tricycle dito sa Naga ganito.”

Dagdag pa niya,

“Nakakatuwa si kuya kasi hindi siya mapili gaya ng ibang driver. Galing ako Biscast tapos sabi ko Mariners Panganiban. Nag oo agad siya, binaba niya pa ako sa school mismo kahit sabi kong sa kanto nalang.”

Kaya naman hindi niya maiwasan maikumpara ang kaniyang sinakyan ngayon sa mga ibang traysikel na madalas niyang masakyan kapag pumupunta sa paaralan.

Itsura at laman ng traysikel

Sa kaniyang maiksing post sa social media, Ikwinento nito ang kaniyang naging karanasan habang nakasakay siya sa traysikel. Ayon kay Pat, kumpleto ang pang disinfect ni Manong drayber na nakalagay sa isamg sulok ng kaniyang traysikel. Sa larawang kuha nito noong July 24, makikita ang malinis at komportableng setup sa loob ng tricycle ni Lapira.

Bukod pa sa kalinisan, pumukaw sa atensyon ni Pat ang diskarte ni Manong drayber para magkaroon ng extra income habang namamasada. Sa loob kasi ng minamaneho nito ay nag titinda pa siya ng face mask sa murang halaga lamang.

Ani ni Pat,

“Pag nasakyan niyo to bilhan niyo naman si kuya driver ng face mask hihi.”

Nagbebenta rin si Lapira ng face mask sa halagang P25 kada piraso bilang dagdag-kita.

Pagpuri ng netizen

Matapos niya itong inuplaod sa social media ay umani ito ng libo-libong shares at samo’t saring komento at pag hanga. May mga ilang netizen din ang nagpa totoo kung gaano kabait at kalinis talaga ng traysikel na nag viral.

Ayon sa netizen,

“Mabait talaga ang drayber na iyan. Very polite at accomodating. Maganda talaga tatlo niyang traysikel, very spacious. Talagang hindi ka mahihirapan sumakay.”

Sambit pa ng isang pasahero,

“Parati ko siya na sasakyan. Siya ang may pinaka malinis na trcy sa Naga and pinaka comfortable. Mabait talaga iyan si Kuya.”

Sa ngayon, ang ciudad ng Naga ay napapanatili ang kalinisan at pagsunod sa batas upang makaiwas sa pagkahawa sa pandemya.

Source: Facebook / Pat Infeliz Bernal

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: