Press "Enter" to skip to content

Kakambal Ni Jinkee Pacquiao Na Si Janet, Buntis Sa Kaniyang Pangatlong Anak

Isang masayang post mula kay Jinkee Pacquiao ang labis na ikinatuwa ng marami niyang followers sa social media na instagram, sapagkat ang kaniyang magandang kakambal na si Janet Jamora ay nagdadalang tao na.

Excited si Jinkee

Nito lamang nakaraan ay nag post sa instagram si Janet Jamora ang kambal na kapatid ni Jinkee Pacquiao, na siya ay nagdadalang tao sa ikapangatlo niyang anak. Ang asawa naman ng senador at boxing champ na si Manny Pacquiao ay gumawa ng announcement,  sa pamamagitan ng kanyang socila media na Instagram nito lamang Martes, Hulyo 14.

Kakambal Ni Jinkee Pacquiao Na Si Janet, Buntis Sa Kaniyang Pangatlong Anak 2
Photo Credit: PUSH Abs Cbn

“Congratulations sa akong kambal. God is good.” Habang kasama ni Jinkee si Janet sa Photo. “We are so excited for another blessing in the family,” ani pa ni Jinkee na lubos ang pag ka excite sa kaniyang magiging bagong pamangkin.

12 weeks pregnant

Sa post naman ni Janet sa kaniyang Social media account, ipinakita niya sa larawan ang kaniyang baby bump na kumpirmado nasa 12 weeks na. Ang asawa ni Jamora, na dating Pinoy Big Brother: Double Up housemate na si Steven Jumalon, ay nagbahagi din ng mabuting balita sa kanyang mga tagasunod sa pamamagitan ng pag-post ng isang ultrasound video sa kanyang Instagram page, na may caption na,

Kakambal Ni Jinkee Pacquiao Na Si Janet, Buntis Sa Kaniyang Pangatlong Anak 3
Photo Credit: PUSH Abs Cbn

“PSALMS127:3 BEHOLD, CHILDREN ARE GIFT OF THE LORD, THE FRUIT OF THE WOMB IS A REWARD. LORD THANK YOU SA BLESSING!”

Pagbati mula sa mga celebrities

Si Janet ay may dalawang anak sa dati nitong asawa. Nagkakilala naman sa Amerika at natuloy sa pagpapakasal si Janet at Steve sa Isla Hardin ng Glan Sarangani province noong Pebrero 2016.

Kakambal Ni Jinkee Pacquiao Na Si Janet, Buntis Sa Kaniyang Pangatlong Anak 4
Photo Credit: Facebook

Samantala, maraming celebrities naman na tagahanga rin ni Janet ang bumati sa kaniyang ikatlong pagbubuntis, gaya nina Melai Cantiveros, Aktres na si Yasmien Kurdi, komedyante na si Rufa Mae Quinto, blogger na si Nikka Garcia, Make up artist na si Denise Ochoa, Fashion Designer nasi Patricia Santos at marami pang iba.

Source: PUSH Abs Cbn

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: