Press "Enter" to skip to content

Kalbaryo Ng Mga Commuters Na Nagbalik-Trabaho Sa Unang Araw Ng GCQ sa Metro Manila

Last updated on June 2, 2020

Sinalubong ang mga motorista at mananakay ng mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila ngayong Lunes, unang araw ng general community quarantine (GCQ).

Maagang paghahanda

Maraming commuters ang maagang umalis ng kanilang bahay upang magtungo sa kanilang trabaho sa unang araw ng pagsasailalim ng Metro Manila sa GCQ.

Kalbaryo Ng Mga Commuters Na Nagbalik-Trabaho Sa Unang Araw Ng GCQ sa Metro Manila 2
Photo Credit: GMA Network

Sa kabila nito, mahahabang pila ng sasakyan at mga commuters ang sumalubong sa mga nagbabalik-trabaho.

Sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, ang ilang mga commuter na umalis sa kanilang mga bahay ng alas-4 ng umaga ay naghihintay pa rin ng bus makaraan ang 2 oras.

Aabot sa 300 bus lang kasi ang pinapayagang pumasada sa unang araw ng general quarantine.

Sobrang pahirap

Kaakibat ng GCQ ang pagbabalik ng ilang piling uri ng transportasyon, maging ang trabaho sa ilang sektor.

Matapos ito ng 2 buwang mahigpit na lockdown na ipinataw para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kalbaryo Ng Mga Commuters Na Nagbalik-Trabaho Sa Unang Araw Ng GCQ sa Metro Manila 3
Photo Credit: GMA Network

Karamihan ng nasa lansangan ay mga private vehicles dahil ang pagpasada ng public transportation ay limitado pa rin. Ito ang nagpahirap lalo sa mga commuters na nagbabalik trabaho makalipas ang dalawang buwan.

Unti-unting pagbabalik ng transportasyon

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), pautay-utay ang gagawing pagpayag sa pagpasada sa mga pampublikong sasakyan sa GCQ.

Kalbaryo Ng Mga Commuters Na Nagbalik-Trabaho Sa Unang Araw Ng GCQ sa Metro Manila 4
Photo Credit: UNTV

Mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 21, papayagan na muli ang operasyon ng tren, taxi, ride-hailing car service tulad ng Grab, bus augmentation units, point-to-point (P2P) buses, shuttle services, at mga bisikleta.

Mula Hunyo 22 hanggang 30, papayagan na ang operasyon ng pampublikong bus, modern jeepneys at UV express.

Nagbisekleta, naglakad kahit galing probinsiya

Dahil walang masakyan, naglakad ang isang security guard mula Marilao, Bulacan para makasakay papunta sa pinagtatrabahuan sa Malinta, Valenzuela City.

Nagpalabas umano ng mga sasakyan ang Valenzuela LGU at iba pang lokal na pamahalaan para maayudahan ang mga sasakay papasok ng trabaho ngayong may GCQ at suspendido pa rin ang pagpasada ng ilang sasakyan.

Limitado lang ang puwedeng makasakay sa mga truck para masiguro ang physical distancing.

Kalbaryo Ng Mga Commuters Na Nagbalik-Trabaho Sa Unang Araw Ng GCQ sa Metro Manila 5
Photo Credit: FB-Rex Gatchalian

Nagbisikleta naman ang isa pang security guard mula Quezon Avenue hanggang sa kaniyang bahay sa Marilao.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: