Press "Enter" to skip to content

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Sanggol Matapos Itong Iwanan Sa Terminal

Natagpuang p4tay ang isang kakasilang pa lamang na babaeng sanggol matapos abandunahin at iwan sa isang banyo ng San Jose Terminal sa Palawan.

Ang nakaawang sinapit

Ang sanggol ay walang awang isinilid sa isang Tupperware na animo’y parang hindi tao kung ituring. Wala ng buhay ang sinasabing bagong silang na babaeng sanggol nang matagpuan ito ng pulisya.

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Sanggol Matapos Itong Iwanan Sa Terminal 2
Photo Credit: Facebook- RGMA Super Radyo DYSP 909Khz Pa

Anila, iniwan lang ang bata sa palikuran ng San Jose Terminal sa lungsod ng Puerto Princesa nitong Miyerkules, ika-29 ng Hulyo.

Ang imbestigasyon

Sa Puerto Princesa Land Transportation Terminal sa Bgy. San Jose ang sinasabi sa ulat na namataan ang walang buhay na bata.

Base sa nagawang imbestigasyon ng Mendoza PNP, kasalukuyang naglilinis ang isang janitor ng nasabing banyong pambabae ng terminal na si Mark Lester Franco, nang makita niya ang sanggol. Napansin niya noong una ang plastic na may lamang tupperware at aniya’y masangsang ang amoy nito.

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Sanggol Matapos Itong Iwanan Sa Terminal 3
Photo Credit: Facebook- RGMA Super Radyo DYSP 909Khz Pa

Dahil kahina-hinala para kay Mark ang nakita, agad siyang tumawag sa awtoridad at matapos nito, dito na nakumpirmang isa pala itong sanggol.

Inakala nila noong una na isang fetus ang nasa lalagyan, ngunit ayon sa medical examination na isinagawa ay napag-alamang ito pala ay isang kapapanganak pa lamang na sanggol.

Ang reaksyon ng mga netizens

Kasalukuyan parin ngayong isinasagawa ang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy na kung sino ang taong walang awa na ginawa ang kr1men sa paslit.

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Sanggol Matapos Itong Iwanan Sa Terminal 4
Photo Credit: Facebook- RGMA Super Radyo DYSP 909Khz Palawan

Napuno ng galit ang mga netizens dahil sa karumal-dumal na pagpa-p4slang sa walang kamuwang-muwang na bata.

Hiling tuloy ng marami, ang hustisya ay makamtan sana ng sanggol at mapanagot kung sino ang salarin sa nasabing kr1men.

Source: Facebook- RGMA Super Radyo DYSP 909Khz Palawan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: