Press "Enter" to skip to content

Kamusta Na Nga Ba Sila? Tunay Na Kalagayan Ng Mga OFW Sa Quarantine Facility Sa Pasay

Last updated on May 24, 2020

Halos marami-rami rin sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFW) ang hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin sa mga quarantine facility sa Pasay, na inilaan sa kanila ng pamahalaan. Ito ay alin sunod sa patakaran ukol sa hindi muna deretsong pag-uwi ng mga ito sa kanilang mga tahan upang makasiguro ang kanilang kaligtasang pangkalusugan laban sa COVID-19.

Ang mga ofw

Ilang libo libong mga OFW na umuwi galing ibang bansa ang patuloy na nananatili sa mga quarantine facility. Ang mga ito ay mula sa ibat ibang bansa sa Middle East.

Kamusta Na Nga Ba Sila? Tunay Na Kalagayan Ng Mga OFW Sa Quarantine Facility Sa Pasay 2
Raffy Tima

Sila ay halos dalawang buwan nang nakatigil sa isang lugar para e-quarantine.

Tunay na kalagayan

Ayon sa mga ito, halos dalawang linggo na ang nakakaraan nang malaman nilang negatibo sila sa Covid19. Pero hindi pa raw sila pwedeng umalis dahil hindi pa printed ang kanilang certificate.

Kamusta Na Nga Ba Sila? Tunay Na Kalagayan Ng Mga OFW Sa Quarantine Facility Sa Pasay 3
Raffy Tima

Isang OFW na ang nagpakamatay sa pasilidad na ito dahil daw sa problema sa pera. May iba namang nakararanas na rin daw ng depresyon.

Nakaka-apekto

Bagama’t libre ang kanilang pagkain at accommodation, ang walang katiyakan kung kailan sila makakauwi sa kanilang mga tahanan ay nakakaapekto na sa kanilang kaisipan.

Kamusta Na Nga Ba Sila? Tunay Na Kalagayan Ng Mga OFW Sa Quarantine Facility Sa Pasay 4
Raffy Tima


Ang isang OFW na may dalawang maliliit na anak na kasama na nanatili parin dito ay nagsasabing naubusan na siya ng mga dahilan. Ito ay upang sabihin sa mga bata kung bakit sila ay nadoon at bakit hindi sila makalabas sa kanilang maliit na silid.

Dahilan ng pag-uwi

Isa pang OFW na nasa naturang pasilidad ay may anak sa Surigao na nagbabanta na magpakamatay. Ito ang dahilan ng kanyang pag-uwi. Ngayon, malapit nang matapos ang kanyang dalawang buwan na bakasyon at kailangan na niyang bumalik upang magtrabaho muli sa ibang bansa.

Kamusta Na Nga Ba Sila? Tunay Na Kalagayan Ng Mga OFW Sa Quarantine Facility Sa Pasay 5
Raffy Tima

Ngunit hanggang ngayon ay nakatigil pa rin siya sa quarintine facility. Ang kanyang anak ay nagpadala ng isang nakakalungkot na sulat.

“If you go back abroad without seeing me, im sorry but i will have to go through with my plans.”-anak ng OFW

Kahilingan

Ang mga OFW na ito ay humihiling at namamakaawa na mapauwi na sila sa kanilang mga tahanan.

Kamusta Na Nga Ba Sila? Tunay Na Kalagayan Ng Mga OFW Sa Quarantine Facility Sa Pasay 6
Raffy Tima

“Mangyaring hayaan na po kaming umuwi.”-OFW

Source: Raffy Tima

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: