Press "Enter" to skip to content

Kapalmuks! Kabit, Isinasauli Na Si Misis Ng Buntis Na, Ngunit Ayaw Na Tanggapin Ni Mister

Magkasamang humarap ang isang mag ama sa programa ni Raffy Tulfo para idulog ang reklamo nila sa ina ng tahanan at sa kabit nito. Ang siste, sila na umano ang mali dahil sa pangangabit ay sila pa ang matapang.

Kapalmuks na magkabit

Ayon sa mister na si Arnel Fernandez, wala na sana siyang pakiealam sa kanyang asawa na si Vangie Fernandez at sa kabit nito na si Jessie Busalanan. Subalit dahil sa pang haharass umano ng mga ito sa kanya at kanilang mga anak, ay handa na niyang idemanda ang mga ito.

Kapalmuks! Kabit, Isinasauli Na Si Misis Ng Buntis Na, Ngunit Ayaw Na Tanggapin Ni Mister 2

Pinapakalat umano ng magkabit na ginahasa ni Arnel si Vangie bago sila noon ikasal. Lubos itong itinanggi ni Arnel at testigo pa umano ang mga magulang ni Vangie na walang naganap na panggagahasa. Minamaltrato rin umano nina Vangie at Jessie ang kanyang mga anak noong nasa poder nila ang mga ito.

Isasauli na kasi buntis

Nagsabi rin umano si Vangie sa kanyang anak na si Re-ann Fernandez na buntis siya kung kaya babalik muna ito sa poder ni Arnel. Dahil sa patong patong na sama ng loob ng mag aama ay isinumbong na nila ito kay idol Raffy ngunit ayon umano kina Jessie ay hindi sila natatakot dahil malakas ang kapit nila sa barangay.

Kapalmuks! Kabit, Isinasauli Na Si Misis Ng Buntis Na, Ngunit Ayaw Na Tanggapin Ni Mister 3

Nang makausap si Jessie sa telepono ay tila wala itong kakaba kaba kahit inirereklamo na siya. Depensa niya, hindi niya pinilit si Vangie na sumama sa kanya. Ito umano ang kusang lumapit sa kanya kung kaya wala siyang kasalanan kina Arnel.

Wala rin umano siyang pakiealam sa away ng mag anak at handa pa siyang ihatid si Vangie pabalik sa pamilya nito dahil ayaw umano niyang masangkot sa problema ng kanilang pamilya. Nagpapadala din umano sila ng malaking pera sa mga anak ni Vangie at natigil lang ito kung kaya nagrereklamo sina Arnel.

Kalaboso

Mariin naman pinabulaanan ng mag amang Arnel at Re-ann ang bintang na ito. Ani Arnel, kahit kailan ay hindi nagpadala ng malaking pera si Vangie sa kanilang mga anak. Mataas na umano ang isang libo kung magpadala ito at hindi niya ni minsan pinakiealaman ang mga pera ng mga bata.

Kapalmuks! Kabit, Isinasauli Na Si Misis Ng Buntis Na, Ngunit Ayaw Na Tanggapin Ni Mister 4

Hindi rin umano niya tatanggapin si Vangie kung sakaling bumalik ito sa kanyang poder. Napakarami ng ipot umano ang inilagay nina Vangie at Jessie sa kanyang ulo kung kaya bakit pa niya tatanggapin ito.

Upang matugunan ang reklamo ay tinawagan ni idol Raffy ang hepe ng pulis sa Cabuyao Laguna. Nakiusap siyang arestuhin sina Vangie at Jessie sa tinutuluyan ng mga ito upang maturuan ng leksyon.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: