Press "Enter" to skip to content

Kapalmuks Ni Ateng! Mister Di Kinaya Ang Pangangabit Ni Misis, Nagpakamatay

Isang lalaki ang nagpakamatay dahil sa panlalake ng asawa nito. Hihingi pa sana ito ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo subalit hindi na kinaya ang sama ng loob at nagpakamatay na.

Kabit

Ayon sa nag post na si Ghing Padua, 2018 pa nagsimulang magkaroon ng kabit ang asawa ng biktima na hindi na inilagay ang pangalan. Kahit pa nalaman ito ng biktima ay pilit itong nagpakatatag para mataguyod pa rin ang kanyang pamilya. Kahit masakit ay binalewala nito ang ginagawa ng kanyang asawa.

Kapalmuks Ni Ateng! Mister Di Kinaya Ang Pangangabit Ni Misis, Nagpakamatay 2

Dahil dito, naging lantaran na ang asawa at kabit nito. Sa tuwing magtatalo ang mag asawa ay mas galit pa ang babae kahit na ito ang may kabit. Hindi nagtagal ay napagpasyahan ng biktima na idulog ang kanyang problema sa programa ni idol Raffy Tulfo. Gumawa ito ng video na humihingi ng tulong na maturuan ng leksyon ang asawa at kabit nito.

Kapalmuks Ni Ateng! Mister Di Kinaya Ang Pangangabit Ni Misis, Nagpakamatay 3

Martyr na mister

Ayon sa biktima, isang seaman na taga Davao ang kabit ng kanyang asawa. Sa katunayan pa umano ay nagsasama na ang dalawa sa bahay ng kanyang biyenan sa Mariveles, Bataan kasama ang kanyang anak.

Kapalmuks Ni Ateng! Mister Di Kinaya Ang Pangangabit Ni Misis, Nagpakamatay 4

Dahil sa pagiging martyr ay nagawa pang alukin ng biktima ang kanyang asawa na siya ma mismo ang mag aayos ng kwartong tutuluyan ng kanyang asawa at kabit nito. Sa bilang ng kabutihan ng biktima ay nagagawa pa ng kanyang asawa na ipamukha sa kanya na mas importante ang kabit nito kesa sa kanya.

Kapalmuks Ni Ateng! Mister Di Kinaya Ang Pangangabit Ni Misis, Nagpakamatay 5

Nagpahiwatig na ang biktima sa kanyang tangkang pagkakamatay dahil sa hindi na nito kaya ang sakit na nararamdaman. Subalit balewala ito sa kanyang asawa at may inaalala pa ang perang maiiwan sa kanila kesa sa buhay ng biktima.

Kapalmuks Ni Ateng! Mister Di Kinaya Ang Pangangabit Ni Misis, Nagpakamatay 6

Panawagan kay Tulfo

Naturingan pa naman na miyembro ng Iglesia ni Cristo umano ang babae subalit nakukuha nitong sumama sa ibang lalaki na siyang mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang relihiyon. Tila manhid na ang puso ng babae para sa kanyang asawa dahil puro masasakit na salita pa ang binibitawa nito.

Kapalmuks Ni Ateng! Mister Di Kinaya Ang Pangangabit Ni Misis, Nagpakamatay 7

Sa huli, hindi na nahintay pa ng biktima na madinig ni idol Raffy ang kanyang panawagan. Dahil sa depresyon ay ito na mismo ang gumawa ng paraan upang wakasan ang kanyang buhay. Hiling ng mga netizen na mapansin ni Tulfo ang kwento ng biktima upang kahit paano ay mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng biktima.

Heto yung video na humihingi sya ng tulong kay Sir Raffy Tulfo😭😭

Posted by Ghing Padua on Friday, August 28, 2020

Source: Ghing Padua

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: