Press "Enter" to skip to content

Kapalpakan Ng PAL, Binuking Ng Pasaherong OFW. Social Distancing, Drawing Lang Pala!

Manila, Philippines – Naging usap-usapin at nag trending ngayon ang post ng isang OFW matapos niyang isiniwalat ang kapalpakan ng PAL. Ipinakita ng OFW ang kapabayaan ng nasabing airline sa kanilang mga pasahero.

Viral photo

Sa naturang post mula kay Tiny Ocular Pineda, kaniyang inilahad ang kabulastugang ginawa ng PAL sa mga pasahero nito. Ipinakita din ng OFW ang tila sardinas na kalagayan nila sa loob ng nasabing eroplano.

Kapalpakan Ng PAL, Binuking Ng Pasaherong OFW. Social Distancing, Drawing Lang Pala! 2

Ani niya,

“Kalokohan ng social distancing kuno. Ng nakapila palang kami para magboarding napakastrict ng staff ng airport social distancing daw dapat 6 feet away. Nang nasa plane na kami itong parang mga sardinas puno ng pasahero lahat ng upuan occupied nagbabanggan ang mga braso ng pasahero.”

Nasaan ang social distancing?

Isinalaysay pa nito na karamihan sa kaniyang kasabay sa loob ng eroplano ay mga pawang seaman na na-stranded pa sa China sa kasagsagan ng COVID-19 dahil sa lockdown. Kinwestyon din ni Pineda ang tila hindi na sunod na social distancing sa loob ng eroplano.

Kapalpakan Ng PAL, Binuking Ng Pasaherong OFW. Social Distancing, Drawing Lang Pala! 3

Sambit nito,

“Wala ng social distancing. Karamihan pa nman ng kasabay kung mga pasahero mga seaman ung ibang nakausap ko sabi nastranded cla ng three months sa China kasagsagan ng Covid at lock down.”

Dagdag pa nito,

“Ang daming mga senior citizen na hindi OFW nag complain bakit ganun dahil sa advertisement na pinapakita sa tv dapat dalawang upuan lang ang me pasahero ung gitna bakante pero hindi ganun ang nangyari.”

Oportunista ng kumpanya

Sinabi din ni Pineda ay marahil kaya ganun na lamang ang ginagawa sa kanila ng PAL ay dahil nagbabawi ito matapos na ma-tengga ang kanilang pag lipad ng ilang buwan. Nanawagan din si Pineda sa Department of Tourism na sana’y suriin ang nasabing airline kung sinusunod nga ba talaga nila ang tamang patakaran.

Kapalpakan Ng PAL, Binuking Ng Pasaherong OFW. Social Distancing, Drawing Lang Pala! 4

Aniya,

“Gustong bawiin ng PAL ang lugi nila ng ilang buwan walang biyahe kaya wala silang pakialam kung me mga Covid ang ibang pasahero. Bigyan pansin dapat to ng gobyerno ang maling ginagawa ng mga airlines or lets say ng PAL. Dapat me isang representative ang Department of Tourism or Department of Health na nakasakay din para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.”

Kapalpakan Ng PAL, Binuking Ng Pasaherong OFW. Social Distancing, Drawing Lang Pala! 5

Ayon pa kay Pineda, nagdalawang isip na siya at gusto bumaba na lamang matapos niyang makita ang sitwasyon sa loob ng eroplano.

Ani nito,

“Parang gusto ko ng bumaba at hindi na umuwi ng pinas. Dilat ang mata ko magdamag halos ayaw kung gumamit ng rest room pero di nman puedeng umihi sa sahig ng eruplano, kaya mapipilitan ka talagang gumamit ng banyo.”

Samantala, umani naman ng samo’t saring reaksyon at batikos ang nasabing airline dahil sa kapabayaan na ginawa nito sa mga pasahero. Umaasa naman si Pineda na mabibigyan linaw ang lahat at mapansin ang kaniyang hinaing ng kinauukulan.

Sa ngayon ay wala pa ring pahayag na binibigay ang PAL sa naturang insidente.

Source: Tiny Ocular Pineda

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: