Press "Enter" to skip to content

Kapamilya Stars, Nag-react Sa Pag-Shut Down Sa ABS-CBN

Last updated on May 10, 2020

Opisyal na nag-shut down ang ABS-CBN noong May 05, 2020 bilang sunod sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC). Sa pamamagitan ng programa nilang TV Patrol nagpahatid ng mensahe at nag-paalam si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak sa mga masusugid nilang taga-panood.

#NotoABSCBNshutdown

Ito ang trending na hashtag na ginagamit ng mga Kapamilya para ipakita ang pagsuporta sa TV network sa gitna ng nangyaring shut down. Iba-iba man ang reaksyon ng mga netizen sa nangyaring shut down sa ABS-CBN, hindi naman maipagkakaila ang lungkot ng mga Kapamilya star sa nangyaring ito. Ilan sa kanila ang nagpahayag ng saloobin sa kani-kanilang social media accounts. 

Lungkot, pagka-bigla, at sama ng loob ang karamihang makikita mo sa mga post ng mga Kapamilya star. Pero anuman ang nararamdaman nila, halos lahat sila ay pare-parehas na nagpapasalamat at nagpahayag ng suporta sa TV network na siyang naging kanilang pangalawang tahanan at tumupad ng kanilang mga pangarap. 

Tula ni Basha

Ipinahayag ni Bea Alonzo ang kanyang lungkot at suporta sa nangyari sa pamamagitan ng isang tula na kayang ibinahagi sa isang maikling video sa kanyang Instagram account. Sa tula nagbalik-tanaw ang magaling na aktres kung paano nakatulong ang Kapamilya network sa pagbuo ng kanyang pagkatao at pagtupad ng kanyang pangarap. Binanggit din ng aktres na ang TV network ang gumabay at umakay sa kanya noong nag-uumpisa pa lang siya at sa mga panahong hindi madali ang daang kanyang tinatahak sa industriya.

Ayon sa aktres, ang Kapamilya network ang tumulong na punuan ang kakulangan na nararamdaman niya dulot ng paglaki niya sa hindi buong pamilya. Hindi din niya batid ang pagod at puyat sa kanyang mga ginagawa dahil kasama niya ang mga taong nasa likod ng network at alam niya na ang ginagawa nila ay maghahatid ng ngiti at saya sa bawat pamilyang tumatangkilik sa kanila. Binanggit din niya kung paano nakatulong ang mga karakter na ginampanan niya habang parte siya ng Kapamilya network para makilala niya ang kanyang tunay na pagkatao. Sa huling bahagi ng kanyang tula, naniniwala ang aktres na iikot muli ang roleta ng buhay para sa ABS-CBN.

Galit ni Cardo

Galit at sama naman ng loob ang nararamdaman ni Coco Martin sa nangyaring shut down. Ayon sa aktor, hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay ang mga taong nasa likod ng pag shut down ng ABS-CBN. Idiniin din niya na mali at walang katarungan na matanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado sa isang kumpanya na naglingkod sa bayan ng matagal na panahon. 

Hindi din mapigilan ng aktor ang galit sa mga β€˜trolls at bashers’ na nanlalait at nangkukutya sa kanilang mga artista. Ayon kay Coco, hindi siya kailangang i-follow ng mga taong ayaw at galit sa ABS-CBN, hindi daw niya kailangan ang mga taong masaya at nilalait pa sila sa gitna ng kanilang pinagdadaanan at lubos niyang ikatutuwa pag tumigil na ang mga ito sa pag-follow sa kanya. Para sa kanya ang mga taong sumusuporta at naniniwala sa kanila at sa ABS-CBN ang mga dapat lang manatili sa kanyang account.

Hindi sapat ang manahimik sa sitwasyon ngayon

Ito naman ang saad ng Kapamilya aktres na si Kim Chui. Para sa kanya hindi niya alam ang mararamdaman niya sa nangyaring pag-shut down sa kanyang itinuturing na pangalawang tahanan. Hindi din niya mapigilan ang magtanong kung bakit ngayon pa sa gitna ng kinakaharap nating epidemya saka pa ibinigay ng NTC ang Cease and Desist order para sa Kapamilya network. Hinahanap din niya ang puso, malasakit, pang-unawa, pagkakaisa, pagtutulungan at pagiging Pilipino sa mga taong nagdulot ng pag-shut down ng kumpanyang ayon sa aktres ay handang tumulong sa bawat Pilipino sa oras ng kalamidad.

View this post on Instagram

Yesterday was so dark diko alam kung ano ang mararamdaman pag gising ko sa umaga. A lot of kapamilyas were crying, hearts are broken. Hindi lamang sa mga artista kundi sa mga tao sa likod ng camera, sa mga taong sumusubaybay sa bawat palabas ng abs.. Hindi kapani paniwala ang nangyari. Sa gitna ng pinagdadaanan ng lahat ng pilipino ngayon ETO TALAGA ang ibibigay nyo sa amin???!!! Sa panahon na walang kasiguraduhan ang buhay ng bawat tao??! Sa panahon na hindi handa ang lahat sa epidemyang kinakaharap natin ngayon! Sa panahong maraming nawalan ng trabaho?! Sa panahong TAKOT ang nararamdaman ng karamihan! ETO TALAGA ANG IBIBIGAY NYO?! Ang cease and desist order sa abs cbn ng walang kalaban laban??? BAKIT NGAYON?! BAKIT SA gitna ng panahon na wala kaming magawa para sa aming tahanan na noon pa man ay siyang tumulong sa akin, sa amin at sa lahat ng tao na nangangailangan! Sa isang kumpanyang handang tumulong sa bawat pilipino sa bawat kalamidad na pinagdadaanan ng ating bansa?… mapa ondoy, yolanda, taal, COVID19 crisis at marami pang iba. Nasaan ang PUSO AT MALASAKIT??? Nasaan ang pagiging PILIPINO?! Nasaan ang pagkakaisa?!!! pagunawa?!! PAGTUTULUNGAN???!!! Sana naisip nyo rin ang epeketo nito sa mga tao. Ang dami nang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Pag nalift na ang quarantine maraming pamilya parin ang magugutom. Paano sisimulan ang buhay ng bawat empleyadong tinanggalan nyo ng hanapbuhay!!! Mga empleyadong nagbabayad ng tamang buwis! mga Pilipinong tinanggalan nyo ng karapatang lumaban!!! Sana naisip niyo rin naging parte din ng buhay nyo ang ABSCBN. Lumaki kayong nanood ng kapamilya network, nanood ng balita, drama at marami pang iba. Para nyo kaming tinapakan at dinuraan ng paulit ulit. Sa panahon ng ECQ nyo pa talaga ginawa to! Para kang sinaksak sa likod ng taong tinuring mong β€œKAPAMILYA”. Sa lahat ng namumuno ng NTC??? Bakit!!!? WALANG NILABAG NA BATAS ang ABSCBN. Anong nangyari sa oath nyo nung march2020?! Nakalimutan nyo na? Kay SolGen Calida, nasaan PO ang puso nyo?! PO?! Or should I say may puso pa ba kayo???!!! π™ƒπ™„π™‰π˜Ώπ™„ π™Žπ˜Όπ™‹π˜Όπ™ π˜Όπ™‰π™‚ π™ˆπ˜Όπ™‰π˜Όπ™ƒπ™„π™ˆπ™„π™† π™Žπ˜Ό π™Žπ™„π™π™’π˜Όπ™Žπ™”π™Šπ™‰ π™‰π™‚π˜Όπ™”π™Šπ™‰!!!!!! #NOtoABSCBNshutdown

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

View this post on Instagram

π˜Όπ™”π˜Όπ™‰! π™π˜Όπ™‚π˜Όπ™‡π™Šπ™‚ π˜Όπ™ π™€π™‰π™‚π™‡π™„π™Žπ™ƒ π™‰π˜Ό π™‹π™Š π™”π˜Όπ™‰! π™‹π˜Όπ™π˜Ό π™ˆπ˜Όπ™Ž π™ˆπ˜Όπ™„π™‰π™π™„π™‰π˜Ώπ™„π™ƒπ˜Όπ™‰ 𝙉𝙔𝗒!Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon. Lalo na’t puno ng trolls, tards, bashers at kung ano man ang tawag sa kanila. Sa mga taong nagtatago sa likod ng sampu, benteng account! Para lang murahin kami! Pagsalitaan ng masama! Apak apakan!!!ikinayaman nyo ba yan?!!! Ang sabihan kami ng masasamang salita?!!!! Oo hindi ako graduate ng LAW. Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon DAHIL YUN SA KUMPANYANG ITO NA HANDANG TUMULONG SA BAWAT PILIPINO!!! β€οΈπŸ’™πŸ’š nakilala nyo kami dahil napanood nyo kami sa ABSCBN! . Hindi na kami dapat matakot sa inyo!!!Kailangan na natin magsalita at Ipaglaban ang tahanang nagbigay sa atin ng inspirasyon, ng ngiti sa labi at lumalaban ako ngayon dahil ito ang tahanang naglagay sa akin sa kung nasaan man ako ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa ABSCBN. #hindikamitatahimik #lalabanparasakatotohanan #notoabscbnshutdown . . sana ay tulungan nyo rin po kami MGA KAPAMILYA. #NotoAbsCbnShutdown SA LAHAT NG BUMUBUO NG NTC, kay solgen calida at sa lahat ng may tao sa likod ng cease and desist order sana po ay IBALIK NINYO ANG KARAPATAN NG ABSCBN SA MALAYANG PAMAMAHAYAG. πŸ™πŸ»πŸ’”

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Para kay Kim hindi na daw sapat ang manahimik lang sa sitwasyon ngayon lalo na at nagkalat  ang mga β€˜trolls at bashers’ na minumura, inaapak-apakan at sinasabihan sila ng masasamang salita. Para sa aktres, hindi na siya dapat matakot sa mga ito at kailangan na siyang magsalita at lumaban para sa ABS-CBN network na tinuturing na niyang tahanan. May mensahe din si Kim sa mga taong bumubuo ng NTC, hinihiling niyang maibalik na ang karapatan ng ABS-CBN sa malayang pamamahayag.

Nasa ibaba ang iba pang mga post ng mga Kapamilya star tungkol sa nangyaring lockdown:


View this post on Instagram

Praying for my ABS-CBN family.

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph) on

View this post on Instagram

Bakit ka nagbubunyi na maraming mawawalan ng trabaho??? Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin?? Sayo trabaho lang to sa amin kabuhayan to. Maraming pangarap na hindi matutupad dahil dito. Pero ang saya saya mong pinagdiriwang ang pagdadalamhati namin. Ano na ba ang nangyari sayo?? Hindi mo na ba alam kung pano makiramay?? Oo may opinyon ka tungkol dito may mga hindi ka gusto sa palakad dito bagamat hindi ka naman naging parti ng pamilyang ito at hindi mo naman alam ang totoo. Pwede naman sigurong manahimik muna diba?? Kabawasan ba sa pagkatao mo kung maki simpatya ka?? Sa totoo lang ang pagkawala namin sa ere pwede pang hanapan ng sulusyon. Ang mga mawawalan ng trabaho pweding humanap ng ibang pagkakakitaan mahirap pero kaya naman.Pero nais naming manatili dito dahil una ito na ang buhay namin at dito tinuring kaming totoong kapamilya. Lahat ng problemang kinakaharap namin kayang mahanapan ng sulosyon sa awa ng Pangnoon. Ang pananahimik namin ay hindi habang buhay babalik kami na mas malakas at mas maingay. Pero Ikaw na hindi na marunong makiramay, ikaw na hindi na alam kung pano pa maging mabuting tao,ikaw na napuno nalamang ng puot,ikaw na nalimutan nang MAGPAKATAO…….Pagkatapos ng mga pagsubok na ito mag babalik kami na mas maningning. Pero ikaw hangang dyan ka na lang. Sa katulad mong walang awa,sa katulad mo na ikinatutuwa ang paghihirap ng iba WALA KA NANG PAGASA!!! Naaawa ako sayo dahil pinili mong manatili sa mondo mong maliit pinili mong mag pakain sa sistema. Gayun paman ipagdatasal parin kita na sana mahanap mong muli ang iyong puso. God bless Po

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Suporta at Pag-asa

Sa gitna ng lungkot, sama ng loob at iba-ibang reaksyon ng mga Pilipino sa nangyaring shut down ng ABS-CBN, buo padin ang suporta na ibinibigay ng mga Kapamilya star sa kanilang network. Halos lahat sila ay pinag-dadasal at umaasa na sana maayos na itong problema na kinakaharap ng isa sa pinakamalaking TV network dito sa bansa. 

Source: Instagram

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: