Last updated on August 7, 2020
Batid ang kinakaharap na suliranin sa manpower ng ating mga magsasaka sa Bauko, Mountain Province, nagpasya ang kapulisan ng lugar na tumulong sa pagsasaka sa kanilang bakanteng oras.
Epekto ng COVID 19
Dahil sa lockdown at community quarantine na ipinatupad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa bilang tugon sa pagkalat ng COVID 19 virus, marami sa mga kamag-anak ng mga magsasaka ng Mountain Province na nasa ibang lugar upang mag-aral o magtrabaho ang hindi nakauwi kaya’t nahirapan silang mapabilis ang trabaho sa bukid.

On duty sa pagsasaka
Ayon sa report ng Stand for Truth, apat hanggang limang pulis na nakaduty sa lugar ang araw-araw ay tumutulong sa mga magsasaka mula pa sa pag-ani.
“[N]agsimula ang pagtulong namin, nagimula ng anihan ng palay nung kasagsagan ng pandemya kasama ang komunidad sa pamamagitan… ng bayanihan system,” ayon kay Police Corporal Signey Lambino.

Pasasalamat
Labis naman ang pagpapasalamat ng mga residente sa ginawang pagdamay sa kanila ng hanay ng kapulisan lalo ngayong panahon ng pandemya.
“Nag-donate sila ng mga araw para sa ‘free duty.’ Kapag wala silang duty, sila ‘yung pumunta para tumulong sa amin. Kaya hindi lang ako ‘yung natutulungan kundi mrami kaming may mga bukid,” pahayag ni Severina Kigi-I, isa sa mga natulungang magsasaka.
Huwag lahatin
Kahit na naging mainit sa mata ng publiko ang kapulisan dahil sa mga isyung kinakaharap ng kanilang hanay sa kalagitnaan ng pandemya, hiling ni Lambino na sana ay huwag silang lahatin at maging patas sana ang lahat sa pagtingin sa kanilang mga unipormado.
“Nakakalungkot pong isipin na maraming negatibong komento na sinasabi nila sa mga kapulisan. Marami pong gumagawa ng kabutihan na hindi nakikita o naipapalabas. Tiwala lang po sa kapulusan,” saad ni Lambino.

Bayanihan, buhay pa din
Lahat ay apektado ng pandemya ngunit hindi pa din nawawala ang tradisyon ng binnadang o bayanihan sa Cordillera, naka-uniporme man o hindi. Ngayong panahon ng krisis, mahalaga ang pagtutulungan upan ong ang pinagdadaanan ng bawat isa ay mapagaan.
Source: GMA News Online
Be First to Comment