Press "Enter" to skip to content

Karagdagang Tulong Sa Mga Solo Parent Kailangan Ba Talaga?

Isinusulong ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang panukalang batas na magbibigay ng karagdagang tulong at benepisyo sa mga solo parents. Aniya, doble ang hirap ng mga magulang na mag isang nagtataguyod ng pamilya sa panahon ng pandemiya.

Ang panukala

Naghain si Sen. Go ng Senate Bill No. 206 noong July 2019 na ang pakay ay mabago o ma-amyendahan ang Solo Parents Welfare Act of 2000. Ayon kay Go hindi umano sapat ang nakukuhang benepisyo ng mga solo parents.

Ilan sa provision ng batas ay ang karagdagang financial assistance, karagdagang discount sa pagbili ng pagkain, gatas at food supplement ng mga bata edad 0-3 yrs old. Gamot, vaccine at iba pang medical supplements ng kanilang anak edad 0-22 yrs old.

Karagdagang Tulong Sa Mga Solo Parent Kailangan Ba Talaga? 2
Photo Credit: UNTV News

Kasama sa discount ang tuition fee, hospital bills, consultation, laboratory fees, diagnostic fees, at iba pa. Nakasaad din sa bagong panukala na dapat bigyan ng priority ang solo parents ng kanilang employers ukol sa telecommuting o karapatan na makapag work from home.

Ang panawagan

Nanawagan si Sen. Go sa mga kapwa mambabatas na pagtuunan ng pansin ang batas na kanyang iminungkahi. Ang COVID 19 pandemic ay nagresulta sa pagkawala ng oportunidad na kumita ng pera.

Ang mga pinaka apektado umano dito ang solo parents. Kaya naman gusto ni Go na ma-amyendahan na ang batas. Malaking tulong umano ito sa mga taong mag-isang nagsisikap buhayin ang kanilang pamilya sa panahon ng krisis.

Karagdagang Tulong Sa Mga Solo Parent Kailangan Ba Talaga? 3
Photo Credit: Sen. Bong Go Facebook Page

Ayon kay Sen. Go itinitulak nya ang mga ammendments na ito sa existing law para matulungan ang mga solo parents sa pagbuo ng matatag na pamilya sa kabila ng kanilang sitwasyon at masuportahan sila na maging productive na miyembro ng lipunan.

Ang serbisyo

Responsibilidad natin sa gobyerno ang siguraduhin na may sapat na proteksyon po tayong ibinibigay sa mga solo parents na kabilang sa vulnerable sectors ng ating lipunan

Sen. Bong Go

Ayon sa pagaaral ng Department of Health and the University of the Philippines-National Institutes of Health na funded ng World Health Organization (WHO) mayroon humigit kumulang na 14-15 million solo parents sa Pilipinas, 95% ay kababaihan.

Karagdagang Tulong Sa Mga Solo Parent Kailangan Ba Talaga? 4
Photo Credit: Philstar

Marami sa mga solo parents ang umaasa na maisabatas na ang karagdagang benepisyo na kanilang matatanggap sa lalong madaling panahon.

BONG GO SEEKS TO PROVIDE GREATER BENEFITS FOR SINGLE PARENTS AS COVID-19 CRISIS MAKES SOLO PARENTING TOUGHERSenator…

Posted by Bong Go on Saturday, June 13, 2020

Source: Sen Bong Go Facebook Page

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: