Press "Enter" to skip to content

Katotohanan Sa Likod Ng Pag Patay Sa Isang Kapitan Sa Laguna, Lumabas Na

Isang lalaki ang na-ispotan ng CCTV ang walang habas na pinatay ang kanilang kapitan sa kanilang lugar. Ang nasabing video ay nag viral sa social media ng may maling impormasyon.

Salarin

Si Pablito Uy Hernandez, 45 anyos, isang driver at security guard ay siyang salarin sa pagpatay kay Barangay Chairman Larry Calderon Rosales. Ito ay nangyari nito lamang April 14, sa barangay Sta. Ana San Pablo City.

Viral Ngayon
Facebook

Ang nasabing video ay kuha mula sa CCTV ng barangay at na upload pa sa iba’t-ibang website. Kumalat ang balita na ang dahilan di umano ay dahil ang suspect ay hindi nabigyan ng 5k-8k Amelioration. Ngunit ito naman ay pinabulaanan ng iba at nasabing walang katotohanan.

Pangyayari

Sa isa pang video ng pagkaka dakip sa suspect ay kaniyang sinabi ang dahilan kung bakit niya ito nagawa. Ito ay dahil umano sa ang kanilang brgy chairman ay isang tuta at sunud sunuran sa mga konsehal. Dagdag pa niya binababoy di umano ang mga babae sa kanilang lugar at pinagpapalit ng mga asawa.

Makikita sa nasabing video ang nangyaring karumal-dumal na krimen ng araw na iyon. Habang nag-uusap si chairman at ang suspect sa tapat mismo ng Brgy Hall. Bigla na lamang naglabas ng itak ang nasabing suspect at walang habas na pinagtataga ang kanilang chairman.

Pagdakip

Si Pablito ay nadakip din ng araw na iyon sa pakikipag tulungan ng ilang mga residenteng nakakita sa pangyayari. Ito ay agad namang nirespondehan ng ilang mga pulis at SWAT team ng lugar. Kasabay ang nasabing imbestigasyon kung saan hinala ng isang pulis ang suspect ay sabog at naka droga ng araw na iyon.

Ang pamilya ng biktima ay hiniling na huwag ng ipakalat pa ang nasabing video na may maling impormasyon. Hinihingi din nila ang respeto para sa kanilang pamilya sa pangyayari.

Narito ang nasabing video:

Eksena: Pagdakip sa pumatay ng Kapitan

Eksena: Pagdakip sa pumatay ng Kapitan Brgy sta Ana San Pablo, LagunaVideo Credit: Owner

Posted by Ibalita sa Bayan on Tuesday, April 14, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: