Press "Enter" to skip to content

Katotohanan Tungkol Sa “Taong Ahas” Sa Robinsons Galleria, Isiiwalat Na Ni Alice Dixson!

Matapos ang tatlong dekada ng pananahimik, handa na ang aktres na si Alice Dixson na isiwalat ang buo at tunay na kwento sa likod ng urban legend na “taong ahas’ sa Robinsons Mall.

Handa ng isiwalat

Sa post ng aktres sa kanyang Facebook page, sinabi niya na nangako siya sa isang kaibigan na darating ang araw at isisiwalat niya ang lahat ng naganap 30 taon na ang nakakaraan.

Sa loob ng maraming taon ay naging tikom ang bibig ng aktres sa nasabing issue. Hindi niya pinabulaanan ni pinatotohanan ang lahat ng kumalat na nakakatakot na balita noon patungkol sa kanya at sa sinasabing taong ahas.

Aniya, “Hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lang linawin ang mga naganap sa Robinsons Galleria nun dalaga pa ako.”

Dagdag pa niya, “Yes, 3 decades na! And I’ve never said a word or explained my side”

Taong ahas

Isa si Alice sa pinaka sikat na aktres noong late 1980s at mas lalo pa siya sumikat ng pumutok ang balita tungkol sa taong ahas na nakatira umano sa basement ng Robinsons Galleria noon.

Ayon sa kwento, nagustuhan si Alice ng taong ahas kung kaya habang nasa loob ito ng fitting room ay inatake siya nito. Subalit sa kabutihang palad ay nakatakas ng buhay at ligtas ang aktres.

Base sa urban legend, ang taong ahas ay anak ng mag-asawang Gokongwei na siya ring may-ari ng nasabing mall. Binayaran umano ng mga Gokongwei ng malaking halaga si Alice para sa katahimikan nito.

Kambal na Gokongwei

Sa ibang usap-usap naman, ang taong ahas ay kakambal umano ng anak ng mga Gokongwei na si Robina. Ito ang nagbibigay ng swerte sa nasabing mall kung kaya naging matagumpay ito.

Sa ngayon, hinihintay na ng marami ang kwento mula mismo sa bibig ng aktres at ito ay mangyayari na ano mang araw mula ngayon. Totoo nga kaya ang taong ahas? O baka isa lamang ito kwentong kutsero na nauuso noong panahon na iyon.

Asahan na ilalathala agad ng PinasBalita ang update sa pagsisiwalat ng aktres kung kaya maging alerto sa aming mga balita.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: