Nanawagan ang isang concerned citizen sa Facebook matapos nitong matagpuan ang isang asong pinababayaan lamang na maulanan at maarawan habang nagbabantay ng palaisdaan.
Natagpuang nakatali
Natagpuan ang nasabing aso sa Phase 3 Lynville subd. Brgy. Calios Sta.Cruz, Laguna.

Nagpahayag ng panawagan ang hindi nagpakilalang concerned citizen dahil sa awa nito sa asong nakatali sa gilid ng palaisdaan.
Hindi nakatiis
Hindi nito natiis habang nasasaksihan ang aso na hinahayaang walang tubig at pagkain habang iniinda ang araw at ulan.

Sa larawang pinost sa Facebook, makikitang namamayat na ang aso ngunit nakaupo lamang ito na tila naghihintay sa kanyang amo.
Ayon sa saksi, hindi nito masigurado kung naaalagaan ba ang nasabing aso.
Nakikita di umano niya ang caretaker na nagpapakain ng iba pa alagang hayop.
Dahil sa panawagan
Ang pagbahagi ng concerned citizen sa Facebook page na Animal Rescue PH ay naging daan upang malaman ng publiko ang kalagayan ng aso.

Nagpahayag ng simpatya ang mga nakakita sa post.


May ilang nagbahagi impormasyon upang maireport ito sa barangay o mahanap para ampunin.
Hindi sigurado
Pinuntahan ng isang netizen ang nasabing lokasyon ngunit, ayon dito wala na roon ang aso.

Hindi sigurado ng mga netizens kung ano na nga ba talaga ang nangyare matapos itong maisapubliko.
Latest update
Isang araw makalipas itong mai-post sa page, pinahayag ng Admin na naidulog na ang kalagayan ng aso sa barangay.
Source: Facebook – Animal Rescue PH
Be First to Comment