Kawawang Tatay Na Nagbebenta Ng Mga Lobo Niliyaban Ng Mga Feeling Gangster

Isang CCTV footage ang kumakalat ngayon at marami sa mga comments dito ay nagtatag sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action. Marami sa mga nagcomment ay nais na mapanagot ang mga may sala na nakita sa video.

Gangster

Isang grupo ng mga batang kalalakihan ang nakita sa umpisa ng video na nakatambay sa may hagdanan ng isang bahay o establisimento. Sa unang tingin akala mo ay nagkakatuwaan lang at nakatambay.

Ngunit sa ilang sandali lamang ay lumabas ang tunay na pakay nila.

Kasuklam suklam

Makikita sa video na ang isang lalaki ay may iniabot sa kasamahan niya na mukhang yosi o lighter.

Maya’t maya pa, inihagis ng pinagabutan ang bagay na iniabot sa gilid nila. Sa gilid nila may nagtitinda ng lobo na tila nagpapahinga at nakaupo lang muna sa gilid ng kalsada.

Walang kaalam alam

Matapos ibato, nagtakbuhan na ang grupo. Ilang sandali lang nagliyab na at makikitang nagpanic at nagkakakawag ang kawawang manong upang matanggal ang apoy na kumalat at pumukaw na sa paninda niya.

Makikitang tila nasaktan ang manong at talaga namang nakakaawa dahil naubos na nga ang paninda niya, nasaktan pa siya sa nangyari.

Walang puso

Bumuhos ang galit ng mga netizens sa grupo ng kabataan. Ang iba ay nagsasabi na para lang daw masabi na astig ang mga ito, gagawa na ng masama.

Pati nananahimik na naghahanap buhay ng marangal idinadamay nila sa pantitrip nila. Marami sa comments ang nagagalit at nalulungkot, ganito na daw ba ang mga bata ngayon.

Dati sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit kung ganyan ang ugali ng mga bata? May pag-asa pa kaya?

Hiling kay idol

Marami ang umaasa na sana mapansin ni idol ang video at maabutan ng tulong si tatay kaugnay sa ginawa sakanya ng grupo ng kabataan na ito.

Panoorin ang video dito:

Source: Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published.