Press "Enter" to skip to content

‘Kayo Po Mismo Ang Susugat Sa Amin’: Angel Locsin, Humingi ng Second Chance Sa NTC Para Sa Kapakanan Ng Mga Empleyado Ng ABS-CBN

Buong pagpapakumbabang humingi ang aktres na si Angel Locsin Sa National Telecommunications Commission o NTC upang bigyan ng isa pang pagkakataon ang kapamilya network.

Hindi ito laban against government

Sa video na inupload sa kanyang official Facebook page, kalmadong nakiusap ang aktres sa mga opisyal ng gobyerno na kung maaari ay bigyan ng extension ang kanilang network tulad ng pagbibigay umano ng mga ito sa ibang kompanya.

‘Kayo Po Mismo Ang Susugat Sa Amin’: Angel Locsin, Humingi ng Second Chance Sa NTC Para Sa Kapakanan Ng Mga Empleyado Ng ABS-CBN 2

Nilinaw niya na ang kanyang pagsasalita ay hindi paglaban sa gobyerno. Ang nais lang niyang mangyari ay bigyan ng araw ang nasabing network sa kongreso upang maisagawa na ang tamang paglilitis. Alam naman umano niya na iyon din ang gustong mangyari ng senado at kongreso.

“Mga ma’am at sir, we are not asking for VIP treatment, hindi po ‘yun. We are asking for a fair chance.” ani Locsin

Papanagutin ang tunay na may sala

Sang-ayon siya na ang batas ay batas na dapat sundin. Kaya kung sakaling umano na mapatunayang na nagkasala, nararapat lamang itong papanagutin at kung nagkamali ay dapat ayusin. Aniya lahat ng mga kompanya may mga pagkukulang at mga dapat pang ayusin.

‘Kayo Po Mismo Ang Susugat Sa Amin’: Angel Locsin, Humingi ng Second Chance Sa NTC Para Sa Kapakanan Ng Mga Empleyado Ng ABS-CBN 3

Subalit, hindi umano solusyon ang pagpapasara sa nasabing istasyon dahil lalong dadami ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalo pa sa gitna ng krisis. Masyado na umanong mahaba ang listahan ng walang hanapbuhay kaya huwag na sanang dagdagan pa.

Second chance

Dagdag pa niya, “Naniniwala rin po ako sa second chance, na lahat po deserve po natin na magkaroon ng second chance na maayos ang mga bagay-bagay.”

Nanawagan din siya kay Solicitor General Calida na siya pumipigil sa pagbubukas muli ng ABS-CBN at sa NTC na siya naglabas ng cease and desist order. Kung ipagpapatuloy nila ang panggigipit umano sa nasabing network, tatatak na sa kasaysayan ng bansa na sila ang pumatay sa ABS-CBN. Mababalewala umano ang lahat ng kanilang mabubuting nagawa.

“How do you expect us to heal as one kung kayo mismo ang susugat sa amin?”

Source: Angel Locsin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: