Press "Enter" to skip to content

Kidzania, Permanenteng Magsasara Sa Aug 31

Ikinalungkot ng maraming kabataan at magulang ang anunsyong inilabas ng Kidzania Manila ukol sa permanentemg pagsasara nito. Isa ang Kidzania Manila sa mga lubos na naapektuhan ng pandemic na pinagdadaanan ng buong mundo ngayon.

Kidzania Manila

Nakatakdang permanenteng magsara ang amusement facility na Kidzania na syang pag-aari ng ABS-CBN Corporation sa August 31. Isa ang Kidzania sa ilan buwan nang tigil-operasyon nang magsimula ang pandemic sa bansa. Sa statement na inilabas nito,

Kidzania, Permanenteng Magsasara Sa Aug 31 2

“After 5 years of providing a learning experience for children, Play Innovations, Inc. has decided to cease the operations of KidZania Manila effective August 31, 2020,”

Ang Play Innovations ay subsidiary ng ABS-CBN.

Lay-off

Kasabay ng pagsasara nito sa Agosto 31 ay ang pag-lay off rin ng ABS-CBN ng marami sa kanilang empleyado bunsod ng kawalan ng prangkisa.

No mass gathering

Ayon sa Kidzania, ang pagbabawal sa mass gathering at mahigpit na payo na manatili sa bahay ang mga bata ang nagbigay sakanila ng kawalan ng option at isara na lamang ang establisyemento.

Employment

Sinisiguro naman ng Kidzania na magbibigay ito ng severance pay sa kanilang mga empleyado na syang naaayon sa batas. Handa rin ito magbigay ng job placement programs sa mga ito bilang tulong sa gitna ng lumalalang krisis.

Pasasalamat

Nagpahayag naman ng lubos na pasasalamat ang management ng Kidzania para sa mga sumuporta, industry partners, mga eskwelahan, at mga pamilya na nagtaguyod sa kanilang serbisyo sa loob ng 5 taon.

Panghihinayang

Panghihinayang naman ang nadama ng maraming magulang dahil sa tuluyang pagsasara ng Kidzania. Anila ay nagustuhan at mas hinangad pang bumalik ng kanilang mga anak sa establisyemento dahil sa napakagandang attractions ng mga ito.

Kid-friendly

Ang Kidzania ang isa sa mga kinaaliwan ng mga bata dahil sa kakaibang atraksyon na serbisyo nito. Dito ay natututo, nabubuksan ang imahinasyon at namumulat ang mga bata sa murang edad sa iba’t ibang uri ng industriya.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: