Press "Enter" to skip to content

Kinagigiliwang “TikTok” App Ngayon, Nag Donate Ng Malaking Halaga Para Sa Coronavirus Response

Good news, mga ka-TikTok! Ang sikat na app na ginagamit ng halos lahat ng kabataan ngayon ay nagbigay ng $10 milyon na donasyon para sa Covid-19 Solidarity Response Fund. Ito’y inanunsyo ng World Health Organization o WHO nitong Lunes, March 23.

Ang donasyon

Ang Solidarity Response Fund ng WHO ay nakalaan para sa mga kinakailangang kagamitan ng mga medical workers sa buong mundo upang labanan ang kasalukuyang hinaharap na COVID-19. Ang mga kagamitang ito ay tulad ng masks, gloves, at personal protective equipment o PPE.

Kinagigiliwang "TikTok" App Ngayon, Nag Donate Ng Malaking Halaga Para Sa Coronavirus Response 2
Photo credit: Cosmo.ph

Ito rin daw ay ginagamit upang malaganap ang pinakabagong science-based na impormasyon ukol sa virus at ang pag diskobre sa lunas at vaccines nito.

Taos-puso namang pinasalamatan ni Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ng WHO ang TikTok at ang iba pang mga organisasyon na nag donate para rito.

Kinagigiliwang "TikTok" App Ngayon, Nag Donate Ng Malaking Halaga Para Sa Coronavirus Response 3
Photo credit: World Health Organization

“To date, the fund has raised more than $70 million, in just 10 days, from more than 187,000 individuals and organizations, to help health workers on the frontlines to do their life-saving work, treat patients and advance research for treatments and vaccines,” saad niya.

Mensahe ng kompanya

Sabi naman ng presidente ng TikTok na si Alex Zhu, na-inspire daw siya sa kanyang nakitang pagtulong-tulong ng mga tao ngayon sa gitna ng crisis at ito ang nag-udyok sa kanyang pag donate.

Kinagigiliwang "TikTok" App Ngayon, Nag Donate Ng Malaking Halaga Para Sa Coronavirus Response 4
Photo credit: CNBC

“We’ve been inspired by people in towns and cities everywhere whose fundamental humanity is shining through when we need it most – people serenading across quarantined buildings; neighbors delivering food and medicine to those who cannot leave their homes; global outpourings of empathy and support for grieving families,” aniya.

“This humanity transcends borders and backgrounds, and we’re moved by how people are sharing their strength when we need it most. Most importantly, it’s been gratifying to see the global community rally behind the true heroes of this crisis: the health care professionals around the world who are battling on behalf of us all,”

Partnership

Nalaganap ang pagsikat ng TikTok app ngayon at ang pag gawa ng mga maiikling nakakaaliw na videos.

Dahil dito, naisipan din ng WHO na makipagpartner sa nasabing kompanya upang maihatid ang mga advice at karagdagang mensahe ukol sa mapanganib na COVID-19. Makikita ang mga impormasyon sa kanilang TikTok profile.

Sources: CNN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: