Press "Enter" to skip to content

Kita Sa CCTV! Tindero Ng Mami, Binaril Ng Holdaper Sa Leeg

Isang video ang viral ngayon sa social media na kung saan ay kitang-kita sa CCTV ang pamamaril ng isang holdaper sa tindero ng pares mami sa Baseco.

Holdaper sa Maynila

Sa post ng netizen na si Haiasi Leinahtan Delicana ay inilahad nito ang paghingi ng tulong kay Manila Mayor Isko Moreno na mabigyan ng tulong at aksyon ang nangyari sa kapatid ng kanyang hipag.

Kita Sa CCTV! Tindero Ng Mami, Binaril Ng Holdaper Sa Leeg 1

Aniya ay ala-una ng madaling araw naganap ang insidente. Ayaw umano ibigay ng biktima ang bag na syang naglalaman ng kinita nito sa pares mami. Dagdag pa nito ay inabangan umano talaga ito ng lalaking holdaper.

Viral video

Sa video ay makikita kung paano ayaw iabot ng biktima ang kanyang bag na sya namang kalaunan ay binaril ng holdaper. Pagkatapos ay tumakbo ito palayo.

Kita Sa CCTV! Tindero Ng Mami, Binaril Ng Holdaper Sa Leeg 2

Ang mga tao naman sa paligid ay nagsilabasan ng mga oras na iyon at agad na pinagtulungan na dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima.

Kritikal

Sa ngayon ay kritikal ang lagay ng biktima na syang nakapagtamo ng tama ng bala sa kanyang leeg. Ito ay kasalukuyang nasa Gat. Andres Hospital at hindi pa natatanggal ang bala sa katawan nito.

Kita Sa CCTV! Tindero Ng Mami, Binaril Ng Holdaper Sa Leeg 3

Panawagan kay Yorme

Panawagan ni Delicana kay Mayor Isko ay matulungan sila na maaksyunan ang insidente upang matigil na ang paglaganap ng krimen. Ayon pa dito ay halang umano ang kaluluwa ng nasabing holdaper.

Hirit nito sa gumawa nito ay magbanat ng buto kaysa gumawa ng masama. Panawagan pa nito sa mga netizens ay iparating ang nasabing video kay Mayor Isko Moreno at mabigyan ng kaukulang hustisya ang kanilang kapamilya.

Mensahe nito sa Facebook,

“sna po mayor maAksyoNan nyo po e2 pRa wla ng mgnap ng krimen,mga wLang halang kaluluwa ang gumawa nito ky kua sam mgbnat nMan kau ng buto d puro holdap nlang ang gagwen nyo parang hayop nLang ang pnptAy nyo.mgA k fb frends pki share nMan po s puso ng mayniLa pRa maAksyoNan n mayoR at mhuli n rn toNg tarantado gumwa ky kuA sam parA mbgyan po ng hustisya.”

https://www.facebook.com/ghielyn.mercado/videos/2854708041282720/

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: