Press "Enter" to skip to content

Koleksyon ng OWWA, bumaba dahil sa COVID-19. Dagdag Tulong Sa OFW’s, Inihanda Na

Manila, Philippines – Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, bumaba ang kolekyon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong mga nakalipas na buwan dahil sa global pandemic na naging sanhi ng reverse diaspora sa mga Filipino migrant worker mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pagbaba ng trust fund

Nitong biyernes sa pag dinig sa Senado, kaniyang idinetalye na bumaba ng P18.8 bilyon ang trust fund mula sa P19.6 bilyon sa pagsisimula ng taon.

Ani niya,

“Our income and collections have dropped by as much as 46% and although our investment showed good signs in the first quarter, we’re expecting the worst for the second quarter.”

Koleksyon ng OWWA, bumaba dahil sa COVID-19. Dagdag Tulong Sa OFW's, Inihanda Na 2
Photo credit: OWWA

Dagdag pa niya,

“So far, we have been spending P738 million for food, accommodation, transport, and other expenses. About P584 million of those, we have tapped into the OWWA trust fund. With the GAA, we have a P153 million emergency repatriation fund – we exhausted that 100%… Now the word sustainability starts to creep into the picture”

Tulong sa mga OFWs

Binigyang punto ni Senador Sonny Angara, pinuno ng Senate committee on finance, na layunin ng trust fund na makumpleto ito sa gitna ng pandemya.

Ani ni Angara,

“I think you’ve been saving up for a rainy day when the OFWs would need it. Ito na po ‘yung rainy day na kailangang kailangan na nila.”

Dagdag livelihood benefits

Sumang-ayon naman si Cacdac at sinabing ilulunsad din ng ahensya ang karagdagang livelihood benefits para sa repatriated OFWs—P20,000 para sa aktibong miyembro at P10,000 naman sa mga hindi aktibo.

Koleksyon ng OWWA, bumaba dahil sa COVID-19. Dagdag Tulong Sa OFW's, Inihanda Na 4
Photo credit: Manila Bulletin

Wika niya,

“We will start this program. We’re just letting the OFWs settle down in their respective provinces and by next week we will start this program… This is money straight into the hands of OFWs and we’re willing to spend them.”

Dagdag pa nito,

“They will be coming over a series of arrivals in a period of a month or so.”

Koleksyon ng OWWA, bumaba dahil sa COVID-19. Dagdag Tulong Sa OFW's, Inihanda Na 5
Photo credit: Manila Bulletin

Sa kabuuhan, tinatayang 40,000 OFWs pa ang inaasahang darating sa bansa dahil sa problemang idinulot sa mundo ng COVID-19.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: