Press "Enter" to skip to content

Kongresista Dismayado Sa Bagal Ng Proseso Sa Kaso Ng ‘Piston 6’

Manila, Philippines – Ayon sa isang kongresista ay tila dismayado siya sa kawalan umano ng korte ng kakayahan na maiproseso ng mas mabilis ang kaso ng Piston 6. Ang anim (6) na drayber ay nakulong dahil sa pag sama sa isang rally sa Edsa kaugnay sa kawalan nila ng kabuhayan ngayong panahon ng quarantine.

Saloobin ni Erice

Ang anim (6) na jeepney driver kabilang na ang secretary general ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na si Ruben Baylon ay nahuli at nakulong nang dahil sa pag labag nila umano sa social distancing protocols.

“Since last week I have been trying to post bail to the 6 Piston drivers but I am really frustrated by the seeming inability of courts to get their acts together in facilitating a process on how to serve our people, especially the marginalized,”

Pahayag ni Caloocan City Rep. Edgar Erice sa kanyang Facebook post.

Kongresista Dismayado Sa Bagal Ng Proseso Sa Kaso Ng ‘Piston 6’ 2
Photo Credits: Egay Erice/Facebook

Dagdag pa ni Cong. Erice,

“It took 24 hours to facilitate the inquest by the prosecutor’s office.”

Apila ni Erice

Dahil sarado tuwing araw ng sabado at linggo ang mga korte at tuwing lunes naman ay nag sasagawa ng disinfection sa mga opisina nito, pakiusap ni Cong. Erice na sana ay magkaroon naman ng extra effort para sa mga kababayan na dumaranas ng sukdulang kahirapan.

Ang Paglaya

Ngayong lunes naman ay nakalaya na ang apat na jeepney drivers na sila Reuben Baylon, Severino Ramos, Ramon Paloma, at Arsenio Ymas Jr..

Gayunman ay naiwan pa rin sa likod ng rehas sila Elmer Cordero at Wilson Ramilla. Si Cordero, 72 ang pinakamatanda sa mga naaresto.

Kongresista Dismayado Sa Bagal Ng Proseso Sa Kaso Ng ‘Piston 6’ 3
Photo Credits: Facebook

Ayon kay VJ Topacio, isa sa mga abogado ng ‘Piston 6’ naiwan ang dalawa dahil may kapangalan daw ang mga ito na may nakabinbing kaso kaya’t kailangan pa ng clearance ng korte bago sila mapalaya.

Pasasalamat ng grupong Piston

Nagpapasalamat naman ang grupong PISTON sa mga indibidwal at iba’t-ibang grupo na nagbigay ng tulong upang makapag piyansa ang mga drayber at sa mga nagpahatid ng suporta sa grupo.

Kongresista Dismayado Sa Bagal Ng Proseso Sa Kaso Ng ‘Piston 6’ 4
Photo Credits: Facebook

Ani ng grupo,

“Lubos na nagpapasalamat ang PISTON sa lahat ng nagpaabot ng kanilang mainit na suporta. Hindi matatawaran ang pagkakaisa na ibinunga ng sama-samang pagkilos ng mamamayan na dumulog sa paglaya ng ating mga tsuper.”

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: