Press "Enter" to skip to content

Kongresista, Hiniling Na Unahin Ito At Mga Kapwa Kongresista Sa Covid-19 Testing

Isa ang mass testing sa mga pilit na suhestyon ng mga Pilipino na isulong ng pamahalaan. Bagaman mayroong target testing na programa ang gobyerno, sino nga ba ang mga dapat mauna sa covid-19 testing?

Kongresista

Isinulong ni Senior Citizen’s Party-list Representative Francisco Datol na unahin ang mga kapwa Kongresista sa covid-19 mass testing. Aniya ay dapat unahin ang proseso ng testing sa mga katulad nya at kapwa kongresista upang masiguro na may kapabilidad sila na maglingkod sa mga mamamayan sa gitna ng pandemic. Ito ang pahayag ni Datol sa virtual hearing ng House Defeat Covid-19 Committee.

Kongresista, Hiniling Na Unahin Ito At Mga Kapwa Kongresista Sa Covid-19 Testing 2

“Dapat po mauna tayong ma-test — mga congressman, congresswoman, empleyado ng Congress. Lahat naman po tayo nagbabayad ng PhilHealth,”

Senior Citizens

Sa isinagawang hearing sa House Bill 6707, Crushing Covid Act, naglalayon ito na magpatupad ng mass testing sa mga taong magbabalik sa trabaho na may pre-existing conditions. Gayundin, ang mga OFW o Pilipino na papasok sa bansa mula sa abroad. Ngunit inilalaban ni Datol na isama din sa listahan ang mga senior citizen. Ganunpaman, subject for approval pa ito.

“Ang hiling ko sana, kung yung testing na yan ay maaaprubahan, unahin natin ang ating mga colleagues at mga empleyado,” he said. “Siguro po mga nasa almost 5,000 tayo.”

Paghihimok pa nito,

“Kung pupunta tayo sa Kongreso ngayon, yung 25 araw-araw na nasa plenary, ang nakikita ko po parang boxing…tayo mga boksingero, ang kalaban natin hindi nakikita. Hindi po natin alam ngayon kung sino na ang may karamdaman sa atin.”

Expanded targeted testing

Ayon sa Department of Health, magsasagawa ng expanded targeted testing policy ang ahensya para sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng covid-19. Gayundin sa mga taong naexpose sa mga pasyenteng may covid-19.

Sa kabilang banda, iginiit ng pamahalaan na imposible sa ngayon ang pagsasagawa ng mass testing sa lahat ng mamamayan na nasa bansa.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: