Press "Enter" to skip to content

Konsehal Ng Caloocan, Pinakulong Ang Dalawang Anak Na Adik

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang anak ng isang konsehal sa Maynila kasama ang apat na iba pa na sangkot sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga sa Tondo, Manila.

Batas ay batas

Bago ang nangyaring pag aresto ay lumiham na sa MPD-PS2 si Manila Councilor Jesus “Taga” Fajardo para ipahuli ang kanyang dalawang anak. Ito ay matapos na gawing drug den ang gilid ng kanilang bahay.

Konsehal Ng Caloocan, Pinakulong Ang Dalawang Anak Na Adik 2

Manila Bulletin

Ani niya,

“Ako po mismo ang may gustong ipahuli ang mga iyan. Hindi ko po kinukunsinti ang mga ganyang gawain. Ni minsan sa aking panunungkulan bilang punong barangay at bilang konsehal ay hindi nabilang sa ganyang gawain. Wala kayong iintindihin na anumang aksiyon laban sa akin upang pigilan ang ganyang ilegal na gawain.”

Buy-bust operation

Bandang alas-8:30 ng gabi nang isagawa ng mga tauhan ni PLt. Col. Magno Gallora, Jr., ang buy-bust operation sa naturang bahay. Nasamsam sa nabanggit na operasyon ang may 20 gramo ng shabu na may street value na P136,000 at buy-bust money.

Konsehal Ng Caloocan, Pinakulong Ang Dalawang Anak Na Adik 3
Photo credit: Manila Bulletin

Kabilang sa mga naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 2, sina:

– Michael Cuaresma, 27
– Janeth Fajardo, 27
– Jonathan Fajardo, 32
– Rowena Canlas, 46
– Jayson Ramos, 24
– Jay Ramos, 33

Law is thicker than blood

Naaresto sina Janeth at Jonathan na anak ng konsehal habang gumagamit ng ilegal na droga. Ito ay matapos isuplong mismo ng Ama ang ginagawa nila at ng mga kaibigan sa gilid ng kanilang bahay. Nabatid din na sina Jonathan at Janeth ay mga kapatid din ni Barangay Chairman Josephine Fajardo, ng Bgy.19.

Ang mga na-aresto ay nahaharap sa kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: