Press "Enter" to skip to content

Kontrobersyal Na Pinay OFW Sa Taiwan, May Resbak Sa Mga Kritiko

Pinanindigan ng kontrobersyal na pinay caregiver sa Tawain ang kanyang desisyon sa pagtuligsa sa administrasyon. Ito ay kahit pa kakasuhan ito ng cyberlibel at idedeport pabalik ng bansa.

Paninindigan

Sa kanyang bagong upload na video, matapang na sinabi ni Elanel Ordidor na hindi siya natatakot sa magiging resulta ng kanyang pagtuligsa sa pangulo. Aniya naninidigan lamang umano siya sa kung ano ang  tama.

Kontrobersyal Na Pinay OFW Sa Taiwan, May Resbak Sa Mga Kritiko 2

“Bilang isang simpleng mamamayan at bilang simpleng OFW, tumatayo sa katotohanan at naninindigan sa tama, hindi ako nakakaramdam ng takot sa mga issue nagmula kung kanino man,”

Hindi kailangan ng suporta

Aniya, naniniwala siyang wala siyang inilabas na kasinungalingan o maling impormasyon sa mga mamamayan. Ang kanyang paninindigan umano ay para sa bayan at katotohanan. Nanawagan din siya sa kanyang mga kaanak dito sa Pinas na ilalaban niya ito hanggang dulo, manalo man o matalo. 

Kontrobersyal Na Pinay OFW Sa Taiwan, May Resbak Sa Mga Kritiko 3

Tila hindi pabor ang kanyang mga anak at ibang kapamilya sa kanyang ginagawa. Ito ay dahil aniya, hindi niya kailangan ang suporta ng mga ito at wala siyang pakialam kung hindi sila maniniwala sa kanya.

“ Tumatayo ako sa sarili kong prinsipyo. Hindi ko kailangan hingin ang suporta niyo.Nasa inyo na ‘yun kung ako ang inyong suportahan. Taos puso ko kayong pasasalamatan.Dahil alam niyo mula umpisa, kung ano at kung sino ako,”

Walang humahawak sa kanya

Binanatan din niya ang mga taong tumuligsa sa kanyang aksyon. Pinabulaanan niya ang mga haka-haka na mayroong “malalaking tao” na humahawak sa kanya kung kaya ganoon nalang umano ang kanyang tapang.

Kontrobersyal Na Pinay OFW Sa Taiwan, May Resbak Sa Mga Kritiko 4

“Sa mga taong nagsasabi, ako ay hinahawakan ng mga malalaking group, patunayan muna nila ang kanilang sinasabi bago sila magsasalita. Sa mga taong nagsasabi na ako ay may sakit, dito natin patunayan, dito natin umpisahan ang pagsugpo ng mga kasinungalingan, “

“Kaya ngayon palang hihimukin ko ang mga taong nagsasabi ng mga malisyosong laban sa aking pagkatao, patunayan niyo ang sinasabi ninyo.”

Buhay ang nakataya

Nanawagan din siya sa mga taong sumusuporta sa kanya na dito sa laban niyang ito masusugpo ang tunay na nagkakalat ng mga maling impormasyon. Diniin din niya sa huli na buhay niya ng nakataya sa desisyon niya ito at walang sino man ang maaring magdikta sa kanya.

Kontrobersyal Na Pinay OFW Sa Taiwan, May Resbak Sa Mga Kritiko 5

Matatandaang lumabas ang balita na idedeport na siya pabalik dito sa Pinas ng kumalat ang kanyang “malisyoso” at “mapanirang” video laban sa pangulo. Sa kanyan paguwi, haharapinniya ang kasong cyberlibel at maaring makulong at magmulta ng nasa P250,000 kung mapapatunayang siya ay nagkasala.

Source: OFW Join Force

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: