Press "Enter" to skip to content

Kris Aquino, Ipinagdasal Na Sana Tuloy Tuloy Na! Talk Show with Idol Raffy, magkakaroon ba?

Umuugang na naman ang pangalan ni Kris Aquino pagkatapos ipinalabas ang teaser sa bagong show niya. Kaya inaabangan na ang pagbabalik muli ng “Queen of talk shows.”

Ilang beses nang naudlot

Pagktapos ng kanyang kontrata sa ABS CBN noong 2016, ay wala na nakita ang sikat na aktress sa TV. Sa parehong taon ay pumirma ng kontrata si Kris sa APT Entertainment na pag aari ni Mr. Tony Tuviera. Pero ang naibalitang game show sana na ehohost ng aktress sa GMA Network sa ilalim ng management ng APT, ay hindi rin natuloy.

Kris Aquino, Ipinagdasal Na Sana Tuloy Tuloy Na! Talk Show with Idol Raffy, magkakaroon ba? 2
Photo Credits: Random Replika

Nitong huli, bago pa nailabas ang kanyang teaser sa new show, ay pansamantalang napostpone din ang kanyang supposed schedule sa TV launching, bagay na ikinabahala ng mga supporters niya. At mapakumbabang inihayag ng aktres at sinabing” i don’t possess clear facts” tungkol sa pansamantalang pagpostpone sa kanyang show.

Tuloy ang buhay kahit walang ABS CBN

Si Kris ang isa sa mga halimabawa sa katagang “there is life outside ABS CBN” dahil naging productive at busy pa rin siya sa kanyang digital projects, pagkatapos nang hindi narenew ang kontrata niya sa dos. At nanatiling isa sa mga bankable aktres sa industriya.

Kris Aquino, Ipinagdasal Na Sana Tuloy Tuloy Na! Talk Show with Idol Raffy, magkakaroon ba? 3
Photo Credits: Astig PH

Ang bagong simula

Ang bagong talk show ni Kris ay “Love Life”, na ayon sa aktres ay layunin na makapag bigay ng pag asa sa mga manonood, lalo na ngayon na maraming tayong pinagdadaanan. Inihirit din ni Kris na baka din sakaling mabigyan ng totoong gift ng lovelife.

Sa mga tanong kung ano ang maasahan sa bagong show, tugon niya,

“Fun. I want you to have fun. “I want you to have that moment na lahat ng mga nagba-burden sa inyo, if at least for only that moment while you’re watching me, you feel you have a friend.”

Kris Aquino, Ipinagdasal Na Sana Tuloy Tuloy Na! Talk Show with Idol Raffy, magkakaroon ba? 4
Photo Credits: Youtube

Nang tanungin kung nasa block time ang show niya, sagot ng aktres, hindi na siya atribida ngayon at ipinaubaya na niya sa TV5 ang pag announce ng time slot.

Sa pagtatagpo ni Kris sa kapwa heganteng personalidad sa TV5, na si Raffy Tulfo, ay ipinahayag ng aktres na nasa bucketlist niya ang sikat na TV anchor na makapag trabaho, dahil nagustuhan nito ang pagtaguyod ni Tulfo sa pagtanggol ng mga kababaihan sa kanyang programa.

Ngayong, nagsimula na ang kanyang much awaited TV come back, ay ipinalangin ng akrtes na sana tuloy tuloy na at palaging healthy, para sa mga haharaping hamon sa bagong yugto ng buhay bilang Kapatid sa TV5.

At walang duda, ang libo-libong fans niya ay siguradong manonood sa kanya. Pero manatili pa ba kaya siya sa pagiging “Queen of the talk Show?”

Source: PEP PH

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: