Press "Enter" to skip to content

Kuha Sa CCTV! Magkapatid Na Tumatawid Sa Pedestrian Lane, Na-Hit and Run Ng Motorsiklo

Isang CCTV Footage ngayon ang viral sa social media na kung saan ay makikita ang paghit and run sa dalawang bata sa Barangay Canlalay, Biñan Laguna.

Kuha Sa CCTV! Magkapatid Na Tumatawid Sa Pedestrian Lane, Na-Hit and Run Ng Motorsiklo 1

Huwebes ng tanghali naganap ang insidente na kung saan ay makikita ang magkapatid na patawid sa pedestrian lane. Ang lalaking nakatatanda ay kinilalang si Vince, 11-taong gulang at ang batang babae ay kinilalang si Ashley, 6 na taong gulang.

Hit and run

Sa video ay makikita ang mabilis ang pagpapatakbo ng isang motor siklo na may angkas. Nakaladkad nito ang magkapatid na sya namang agad na inaksyunan ng mga taong nasa paligid ng mga oras na iyon.

Kuha Sa CCTV! Magkapatid Na Tumatawid Sa Pedestrian Lane, Na-Hit and Run Ng Motorsiklo 3

Makikita naman sa video ang ginawang pagtakas at pagharurot ng nakasagasang motor. Sa kabutihang palad ay nakuha ang plate number ng motor na 2901-HV.

Sa pagtakas nito ay may isang tao at motorsiklo pa ang nagtangkang harangan ito ngunit mabilis itong nakaalis. Imbis na tumulong sa kanilang nasagasa, tinakasan lamang ang mga bata.

Trauma

Agad din namang dumating ang ambulansya at ngayon nga ay nagpapagaling na ang dalawang biktima mula sa mga sugat na natamo mula sa insidente.

Ganunpaman, hindi lamang mula sa mga sugat nagpapagaling ang mga bata dahil ayon sa kanilang nanay ay kasalukuyang dumadaan sa trauma ang kanyang mga anak.

Ayon sa ina ng mga bata na si Amelia Eribal, madalas tulala at hindi agad nagrerespond sa tuwing kinakausap ang kanyang panganay na anak na si Vince.

Samantala, si Ashley naman ay natatakot sa tuwing makakakita ng motorsiklo. Si Amelia sana ang susundo sa bata ngunit nagtitinda ito kaya naman ang panganay na anak ang sumundo sa nakababatang kapatid.

Usigin ng konsensya

Hiling ni Amelia ay sumuko na ang mga nakasagasa sa kanyang mga anak. Aniya ay sana ay usigin ang mga ito ng kanilang konsensya.

Kuha Sa CCTV! Magkapatid Na Tumatawid Sa Pedestrian Lane, Na-Hit and Run Ng Motorsiklo 6

Samantala, desidido si Amelia na pananagutin ang mga lalaking nakasagasa sa kanyang mga anak.

Sugatan sa hit-and-run

#TVPatrol Magkapatid sugatan nang ma-hit and run ng isang motorsiklo sa Biñan City, Laguna

Posted by TV Patrol on Monday, February 17, 2020

Source: TV Patrol

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: