Press "Enter" to skip to content

Kuha Sa Video Ang Walang Awang Pambubugbog Ng Seaman Sa Matandang Lalaki

Isang video ang inupload sa facebook nitong Martes, June 9, kung saan makikita ang walang awang pambubugbog na ginawa ng isang seaman sa matandang lalaki. Ang mga biktima ay halos mawalan na ng malay at hindi na nakabangon dahil sa sinapit.

Ang nag-upload

Ang video ay inupload ni Jomask Thome sa facebook page na Raffy Tulfo In Action at sinabi nito na sana ay ma-imbestigahan ng programa ang ginawang pambubugbog ng isang seaman sa dalawang matandang lalaki.

Ang Nag-upload- Video
Photo Credit: Facebook

Gayundin ay pina-iimbestigahan pa ang kanilang barangay bantay bayan dahil sa hindi nito pag dampot sa nambugbog matapos dalhin sa tanggapan ang lantang gulay na mga biktima.

Ang video

Sa nasabing video ay makikita ang seaman na nakahubad pa ng pang itaas na damit at walang awang pinag susuntok ng paulit-ulit ang isang lalaki, kahit anong pagmamakaawa ng lalaki na nakahandusay na sa kalsada ay nagawa pa din itong suntukin at sipa-sipain.

Ang video- Video

Ang biktima ay halos mawalan na ng malay dahil sa sinapit. Samantala nang matapos gulpihin ang lalaki, ang isa pang lalaki na kumukuha ng video ay binalikan nito at sinaktan pa nang sabihan itong makukulong dahil sa kanyang ginawa. Wala naman nagawa ang mga kapitbahay na nakakita dahil sa takot.

Ang mga kumento

Ang video ay umabot na sa 1 daan na iba’t-ibang kumento, kung saan ang ibang netizen ay galit na galit sa naturang seaman sa ginawang pambugbog. Ang ilan sa mga kumento..

“Wow sino yan to much abusive naman need counselling anger management isa atang seaman na out of controlHide or report this” – Femina Martinez

Ang Mga Kumento- Video
Photo Credit: Facebook

“Ganon NBA talaga dito sa aten vedio muna bago tulongan..Kung cno man kamag anak Nyan wag nyo patawarin animal Yan nako unti untiin nyo Yan animal nyan” – Juzianmark Resaga

Ang iba naman kumento ay ginamit ang #raffytulfo paraan upang maipaabot ang naturang post ng video. Sa ngayon ay inaalam pa ang puno’t dulo sa nangyaring pambubugbog.

Narito naman ang nasabing video

Sir sana po maimbestigahan itong ginawa ng isang seaman..dalawang matanda ang walang awa na binugbug.ma imbestigahn din po ang aming brgy.bantay bayan..gulay napo ang dalawang matanda na dinala sa brgy..pero ang pinagbugbug ay di nla dinampot..

Posted by Jomask Thome on Monday, June 8, 2020

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin lamang ang Pinasbalita.org

Source: FACEBOOK

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: