Press "Enter" to skip to content

Kulang Na Po! OWWA, Humihiling Ng Dagdag Na Pondo Para Sa OFW Repatriation

P250-million na karagdagang pondo ang hinihiling ng Overseas Workers Welfare Adminsitration (OWWA) sa kongreso para sa mahigit 40,000 na kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi sa bansa ngayon buwan ng Hunyo dahil sa kawalan nila ng trabaho.

Ubos na ang budget

Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, naubos na ang kanilang buong repatriation budget ngayong buwan ng Mayo na para sana ay budget sa buong taon. Umabot na umano sa P420-million ang kanilang gastos para sa mga displaced OFWs dahil sa COVID-19 pandemic na kinakaharap ng maraming bansa ngayon sa buong mundo.

Kulang Na Po! OWWA, Humihiling Ng Dagdag Na Pondo Para Sa OFW Repatriation 2
Photo credits to Pilipino Mirror

Ang gastos umano ng ahensya ay napunta sa mga OFWs na apektado ng pandemiya at kanilang binigyan ng accomodation, food, transpo, at iba pang non-food items.

Dagdag pondo

Ngayong darating na buwan ng Hunyo, inaasahang may karagdagang 40,000 na OFWs na apektado ng pandemiya ang uuwi ng bansa. Kung kaya naman dagdag pondong P250-million ang hiling ng ahensya sa kongreso upang matugunan ang pangangailangan ng mga ito. Dagdag ni Cadac, wala umano silang maasahang koleksyon, at investment income sa ngayon dahil sa global pandemic na madalas ay pumapalo sa P2.5-billion kada taon.

Kulang Na Po! OWWA, Humihiling Ng Dagdag Na Pondo Para Sa OFW Repatriation 3
Photo credits to Manila Bulletin

Sinabi rin ni Cadac na tanging ang kongreso lang ang inaasahan nilang makaka-tulong sakanila na mabawi ang kanilang nawalang kita.

Libo-libong apektado

Matatandaan naman na libo-libong OFWs ang apekatdo at nawala ng trabaho dahil sa pandemiya na kinakaharap ng buong mundo. Sa isang pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, sinabi niya na marami sa mga employer ang wala ng kakayanan na magpasahod pa ng kanilang mga empleyado kung kaya’t napipilitan silang tanggalin na lamang ang mga ito.

Kulang Na Po! OWWA, Humihiling Ng Dagdag Na Pondo Para Sa OFW Repatriation 4
Photo credits to Reuters

Sa kabila nito, kahit pa marami ang nagna-nais na makauwi sa bansa, mayroon ding mga nagnanais na manatili na lamang sa bansang kanilang pinag-tatrabahuan. Umaasa umano sila na darating din ang araw na magiging maayos ang lahat at makaka-balik sila sa kani-kanilang mga trabaho.

Source: BRIGADA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: