Browse By

Kulay Pink Ni Leni Robredo, Usap-usapan Pa Rin Sa Social Media

Patuloy na gumagawa ng ingay sa social media ang napiling kulay ni Vice President Leni Robredo sa kanyang pagkandidato bilang president ng Pilipinas. Isa ang PINK sa mga nangunang twitter trends sa bansa kasabay ng pagfile ng Certificate of Candidacy ng Bise Presidente sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City noong October 7.

Kaugnay nito, sunod-sunod namang naglabas ng mga kulay pink nilang produkto ang malalaki at maliliit na brand ng sapatos, laruan, skin care, damit, furniture, at pagkain, sa kani-kanilang social media sites. Kabilang dito ang EverBilena, The Body Shop, Furniture Source Manila, Converse, Barbie, at iba pa.

Photo Credits: Ever Bilena Cosmetics

Kanya-kanya ring post sa kani-kanilang social media accounts ang mga local celebrities upang suportahan ang biyuda ni dating DILG Sec. Jesse Robredo. Gamit ng mga celebrity ang mga PINK na damit, jacket, bimpo, lipstick, buhok, at background sa kanilang mga larawan.

Sa kabilang banda, mainit namang binatikos ng ilang mga netizen ang paglabas sa social media ng ilang mga taga-suporta ni Robredo ng mga larawan ng mga building na nakukulayan ng pink. Kabilang dito ang Rustans, St. Lukes Medical Center, University of Santo Tomas, De La Salle University at maging ang mga international landmarks katulad ng Eiffel Tower sa Paris, France, Empire State Building sa New York, National Gallery sa Singapore, at iba pa.

Photo Credits Breast Cancer Foundation

Ayon sa mga netizen na tumawag ng pansin ng mga supporter ng Bise Presidente, ang pagpailaw ng pink ng mga gusaling ito ay may kinalaman sa Breast Cancer Awareness na siniselebra din ngayong buwan ng Oktubre at hindi upang magbigay suporta sa kandidatura ni Robredo.

Samantala, ayon sa political analyst na si Dindo Manhit sa kanyang panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH na ibinalita sa One News, magandang istratehiya ang pagpili ng ibang kulay ni Robredo. Paliwanag ni Manhit, “…siguro to broaden the possible coalition, tsaka the support, it’s good to define yourself differently from an era that we all knew naman came from the Aquinos, and with the death of President Noynoy. …that she can build a momentum on it and find the right issues and define herself differently from the image that has been projected of her by the other side…”

Source: One News

Leave a Reply

Your email address will not be published.