Press "Enter" to skip to content

Kulong Ang Tondo! 48 Hours Na Lockdown Nilagdaan Na Ni Yorme

Nilagdaan ni Mayor Isko Moreno ang Executive Order na ipasailalim ang Tondo, Manila sa Total Lockdown. Dahil na rin sa dami ng mga kaso ng nagpositibo sa COVID19.

Total lockdown

Inilabas na ng Lungsod ng Manila ang nilagdaan na EO ni Mayor Isko sa pagpapatupad ng Total Lockdown sa buong Tondo. Ito ay magsisimula sa May 3, 5am hanggang May 5, 5am. At magtatagal sa loob ng 48 oras.

Kulong Ang Tondo! 48 Hours Na Lockdown Nilagdaan Na Ni Yorme 2
Photo Credit: Isko Moreno Domagoso

Layunin nito ang hindi na pagkalat ng virus sa kanilang lugar, dahil na rin sa dami ng positibo sa COVID19 sa Tondo. Dahil sa hindi na kayang makontrol ang pagdami ng nahawa sa virus, kaya napag-desisyunan ng lungsod ng Manila, na ipasailalim na lang ito sa total lockdown. Upang mabantayan na rin ang lugar at mga residente doon.

Habang nasa lockdown ang lugar, kailangan nila manatili sa kani-kanilang mga bahay. Hindi sila maaring lumabas at pakalat-kalat sa labas. Ang mga pinapayagan lamang na lumabas ay ‘yung mga nagtatrabaho.

Katigasan ng ulo

Naging suliranin na ng gobyerno ang mga taong may sobrang katigasan ng ulo. Hindi marunong sumunod sa mga pinapatupad na batas. Kung ano ang mga ipinagbabawal, ‘yun naman ang kanilang paulit-ulit na ginagawa.

Kulong Ang Tondo! 48 Hours Na Lockdown Nilagdaan Na Ni Yorme 3
Photo Credit: PTV News

Halimbawa na dito ang lugar ng Tondo sa Manila. Kahit alam na ng mga residente na sobrang delikado ang virus na kumakalat ngayon, hindi pa rin nila masunod ang iniuutos ng gobyerno na manatili sa bahay. Lagi lang nilang idadahilan na kailangan nila ng pagkain.

Sumunod kaya sila

Ilang araw na lang ipapatupad na ang total lockdown sa Tondo. Ang tanong ngayon, sumunod kaya ang mga residente sa Tondo? Hindi ba sila mahirapan sa total lockdown sa lugar nila?

Kulong Ang Tondo! 48 Hours Na Lockdown Nilagdaan Na Ni Yorme 4
Photo Credit: PTV News

Kailangan na talaga nila sumunod para naman mawala na ang pandemya na ito. Para makabalik na rin ang lahat sa dati nilang buhay, hindi man sa dating buhay na nakasanayan, pero ‘yung buhay na wala ng panganib at sakit na nagbabadya.

Sa mga nakikita natin ngayon, nahihirapan talaga ang mga tao na sumunod kasi hindi nila nakasanayan ang ganito. Pero kung iisipin natin, ang lahat ng ito ay para rin naman sa ating lahat, para sa ating kabutihan.

Source: Twitter

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: