Press "Enter" to skip to content

Kumpirmado Na! Disinfectant Spray Na Lysol, Napatunayan Na Nakakapatay Ng Corona Virus

Kinumpirma ng Environmental Protection Agency o EPA na ang Lysol Disinfectant Spray ay kayang pumatay ng Coronavirus na nakakapit sa mga bagay o lugar. Ang pahayag ay inilabas nito lamang Hunyo 8.

Lysol laban sa COVID-19

Base sa laboratory results ng EPA, ang Lysol Disinfectant Spray at Lysol Disinfectant Max Cover Mist ay nagpakita ng magandang resulta sa paglaban sa virus na SARS-CoV-2 na siyang pinagmumulan ng COVID-19.

Kumpirmado Na! Disinfectant Spray Na Lysol, Napatunayan Na Nakakapatay Ng Corona Virus 2

Ayon sa mga isinagawang test, epektibo ang mga nasabing Lysol product sa pagpatay ng iba’t-ibang klase ng bacteria at virus kabilang na nga ang Coronavirus na siyang pumapatay ngayon sa milyon-milyong tao sa buong mundo.

Babala ng EPA

Ngunit paglilinaw ng EPA, epektibo lamang ang dalawang produkto sa mga bagay o kaya naman ay sa mga surface. Hindi ito maaaring inumin ng tao dahil nakamamatay ito. Isa itong kemikal na kayang pumatay ng mga virus na nakakapit lamang sa mga bagay at hindi ito gamot para sa mga taong nagpositibo na sa COVID-19.

Dahil sa pag apruba sa Lysol products ay inaasahan ang pagdagsa ng mga tao para bumili nito. Subalit paalala ng pamahalaan, iwasan ang pag panic buying o hoarding upang hindi kapusin sa supply ang bansa. Maari kasing samantalahin ng iba ang pagpakyaw sa mga produkto upang ibenta sa mas mahal na presyo.

Tamang paraan ng paggamit ng disinfectant

Ayon sa EPA, kung gagamit ng disinfectant spray upang idisinfect ang mga gamit o lugar sa bahay, tingnan muna ang EPA registration number ng produkto. Ang Lysol Disinfectant Spray ay may registered number na 777-99. Samantala ng Lysol Disinfectant Max Cover Mist ay may EPA registered number na 777-127.

Importante rin na basahin at sundin ang instruction ng disinfectant. Bigyan din ng paunang paglilinis ang mga bagay na ididisinfect at siguruhin na basa ang surface o bagay upang maging epektibo ang paggamit nito.

Tandaan rin na dapat ay magsuot ng gloves bago gamitin ang produkto upang maiwasan ang skin irritation at maghugas ng kamay pagkatapos itong gamitin. Paalala pa rin ng EPA na laging magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay upang maiwasan na mahawa sa nakamamatay na sakit.

Source: KISS104.1

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: