Press "Enter" to skip to content

Kumpulan Ng Mga Tao Sa SRP Na Walang Facemask At Tamang Social Distancing, Huli Sa Akto

Cebu City, Philippines – Nahuli kamakailan ang mga ilang kalalakihan na nagkukumpulan, walang tamang social distancing at karamihan ay walang suot na facemask. Tila walang pakialam sa ipinapatupad na modified enhanced community quarantine o MECQ sa lugar.

Normal na araw

Makikita sa mga sumusunod na larawan na nakunan sa South Road Properties sa bayan ng Cebu na tila normal lang ang araw na ito para sa mga ilang kababayan. Makikita na ang iba ay masaya at excited habang nanonood ng sabong at sugal na walang suot na facemask at walang social distancing.

Kumpulan Ng Mga Tao Sa SRP Na Walang Facemask At Tamang Social Distancing, Huli Sa Akto 2
Photo Credit:: Facebook – SunStar Cebu

Isinasaad kamakailan sa isang balita na ang pangkalahatan ng mga barangay sa Cebu ay nasa granular lockdown o nasa “strict quarantine measures.” Ito ay naaayon sa exucitive order (EO 85) ni Mayor Edgardo Labella. Ngunit makikita sa mga larawan na tila hindi ito nasusunod.

Kumpulan Ng Mga Tao Sa SRP Na Walang Facemask At Tamang Social Distancing, Huli Sa Akto 3
Photo Credit:: Facebook – SunStar Cebu

Lockdown

Ang Cebu City ay nakasailalim ngayon sa modified enhance community quarantine. Ayon sa EO ay dapat may mga barangay captains at tanod na rumoronda. Isinasaad sa EO na ito na pa-igtingin ang pagpapatupad ng mga preventive measures kontra COVID-19.

Kumpulan Ng Mga Tao Sa SRP Na Walang Facemask At Tamang Social Distancing, Huli Sa Akto 4
Photo Credit:: Facebook – SunStar Cebu

Isinabatas na din ang mandatory wearing of a mask, strict home quarantine at social distancing policies. Hinihiling ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na istriktong ipatupad ito ng local government units sa kanilang nasasakupan.

Kumpulan Ng Mga Tao Sa SRP Na Walang Facemask At Tamang Social Distancing, Huli Sa Akto 5
Photo Credit:: Facebook – SunStar Cebu

Repetitive lockdown

Maalala kamakailan na ang bayan ng Cebu ay ilang beses sumailalim sa lockdown dahil sa tumataas na bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Kahit anong paalala at pagpapatupad ng preventive measures ay tila hindi humuhupa ang mga apektado ng virus.

Kumpulan Ng Mga Tao Sa SRP Na Walang Facemask At Tamang Social Distancing, Huli Sa Akto 6
Photo Credit:: Facebook – SunStar Cebu

Ilang karatig bayan narin ang nagbigay tulong ng payo at aksyon upang masugpo o mabawasan ang mga positibo sa lugar. Ngunit sa kasamaang palad ay mukhang walang pagbabago.

SOURCE: Facebook – SunStar Cebu

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: