Press "Enter" to skip to content

Kuwait at Qatar: Kulong At Multa, Parusa Sa Mga Mahuhuling Walang Face Mask

Sinimulan nang ipatupad sa mga bansang Qatar at Kuwait ang tinatayang “toughest penalty” na pagkakakulong at multa sa hindi pagsusuot ng face mask. Dahil sa paglobo ng kaso ng covid-19, pagkakakulong ng hanggang tatlong taon at multa pa na $55,000 ang kahaharapin ng sinumang lalabag.

Kulong

Inanunsyo ng Kuwait Health Ministry na kung sinoman ang mahuhuling lumalabag sa pagsusuot ng face mask ay makukulong ng hindi hihigit sa tatlong buwan. Sa Qatar naman, hanggang tatlong taon ang pagkakakulong sa mga violator.

Kuwait at Qatar: Kulong At Multa, Parusa Sa Mga Mahuhuling Walang Face Mask 2

Multa

Liban pa sa penalty na pagkakakulong, may multa din ang mga mahuhuling violator sa bansa. Aabot sa 5,000 Dinars ang multa sa Kuwait o higit 819k sa peso. Habang sa Qatar naman, umaabot ng 200,000 Qatari Riyal ang multa. Tinatayang nasa higit 2.7 million ang katumbas nito sa ating pera.

Kaso ng covid

Sa Timog Katagalugan ay tinatayang may 137,400 na kaso ng may kumpirmadong covid-19 na kung saan ay 693 na ang pumanaw. Ang karaniwang mga apektado ng virus ay may tracel history. Ngunit kalaunan, napag-alaman na may mga nahawaan na din sa mga low migrant workers na nakatira sa mga cramped quarters sa kanilang bansa.

Sa Saudi Arabia, mayroong 54,700 cases at 312 fatalities. Ito ang bansang may pinakamataas na kaso sa Six Gulf states. Pumapangalawa naman nag Qatar na kung saan ay mayroong 32,600 na kaso at mayroon lamang 15 na fatalities. Sa kabilang banda, ang United Arab Emirates naman ang ikalawa sa mga bansa sa Middle East na may pinakamataas na d34th rate. Mayroon itong 220 fatalities at nakapagtala ng 23,350 na covid cases.

Legit

Pinatotohanan ng ilan nating kababayan na kasalukuyang nasa Middle East ang mahigpit na ordinansa sa Kuwait at Qatar. Anila, ang batas doon ay talagang pinahahalagahan at sinusunod mga mamamayan. Bagaman walang lockdown sa mga nasabing bansa, mahigpit naman na ipinapatupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask tuwing nasa pampublikong lugar. Nagkakaroon din umano ng mass testing at tracing ang gobyerno upang masugpo ang covid-19 sa kanilang bansa.

Di naman maitatanggi ang pagkukumpara ng ilang netizen sa panuntunan at disiplina ng mga nasa Middle East at mga Pilipino. Anila, dito sa ating bansa, tila normal na araw lamang kahit pa patuloy ang pagtaas ng kaso ng covid.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: