Press "Enter" to skip to content

Kuya, Mas Nasarapan Kay #2 Kaya Iniwan Si #1, Bumwelta Si #1

Last updated on March 18, 2020

Misis hindi na inuuwian at sinusustetuhan ni mister na sugarol dahil sa kabit na umuuwi. Ang masaklap pa nito kaya daw siya pinagpalit ay dahil daw mas magaling at mas masarap daw si kabit kesa sa kanya.

Mas magaling

Isang ginang na nagngangalang Charmaine Lyn Dela Cruz ang dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang isumbong ang kanyang mister na si Louie Dela Cruz dahil sa hindi na raw ito umuuwi at nag sasama na umano sila ng kabit niya. Ang siste, iniwan na nga sila ay hindi pa daw ito nagbibigay ng sustento sa kanilang anak dahil lulong sa sugal.

Sa sumbong ni Charmaine, s*x daw ang dahilan kung bakit siya pinagpalit. Ayon umano kay Louie mas magaling daw gumiling si number 2 kaya siya ang pinili na siyang lalong ikinagalit ni misis. Hindi umano sapat na rason iyon lalo pwede naman iyong pag usapan.

Kuya, Mas Nasarapan Kay #2 Kaya Iniwan Si #1, Bumwelta Si #1 2

Papel lang

Ang mas lalo pang kinakukulo ng dugo ni misis ay yung mas matapang pa umano sa kanya si kabit. Aniya, proud ang kalaguyo na si Adelyn Mangako na siya ay kabit. Katwiran umano ni Adelyn ay sa papel lang ang kasal ngunit sa piling pa rin niya uuwi si Louie. Apat na taon na umanong nagsasama si Adelyn at Louie at sa apat na taon na iyon ay lagi daw siyang kinukutya ni Adelyn.

Depensa naman ni mister hindi daw sila nagsasama ni Adelyn at kaya raw siya lumayas ay dahil sa mabunganga daw si misis. Katunayan, gusto na niyang umuwi kaso ayaw na siyang pauwiin ni misis. Hinamon naman siya ni idol Raffy na padadalhan siya ng pamasahe para pumunta umuwi na ngunit madami dinadahilan si Louie na tila ba ayaw talagang umuwi.

Kuya, Mas Nasarapan Kay #2 Kaya Iniwan Si #1, Bumwelta Si #1 3

Ebidensya

Matibay umano ang ebidensiya ni misis laban kay mister at kabit niya dahil sa mga screenshot ng mga palitan nila ng mensahe. Marami rin umanong witness si misis na nais tumestigo laban kay mister at kabit niya dahil alam daw sa buong lugar ang kwento nila. Mismong ina na rin mismo ng kalaguyo ang nagsabing nagsasama na ang dalawa. 

Buo ang loob ni misis na ipakulong ang dalawa kaya naman sasamahan siya ng team ni Raffy sa pagpunta sa lugar ng dalawang magkalaguyo. Abangan natin sa susunod na linggo ang karugtong ng kwentong ito at kung ano ang mangyayari sa paghaharap ng tatlong magka love triangle.

Kuya, Mas Nasarapan Kay #2 Kaya Iniwan Si #1, Bumwelta Si #1 4

Panoorin sa video na ito ang panayam kay misis:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: