Press "Enter" to skip to content

Kuya, Tinangkang Tumakas Sa MMDA, Sumemplang: “Nabirit lang po sir”

Isang lalaki ang viral ngayon sa social media dahil sa video nito ng pagsemang sa motor matapos diumano tangkaing tumakas sa MMDA.

Viral video

Sa viral video ay maririnig ang MMDA na nagsabi na tiketan ang isang rider ng motor dahil sa ilang violation. Pagkabigay nito ng utos ay makikita ang epic fail na pagharurot nito mula sa mga MMDA. Sa pagbirit ni kuya ng kanyang motor ay makikita ang unti-unting pagkalaglag ng angkas nito na isa pang lalaki.

Kuya, Tinangkang Tumakas Sa MMDA, Sumemplang: "Nabirit lang po sir" 1

Dirediretso ang motor sa pagsadsad na syang nagdulot ng pagplakda ni kuyang motor driver sa lupa. Pahigang sumadsad ito habang ang motor naman ay natumba.

Nabirit lang po, sir

Kuya, Tinangkang Tumakas Sa MMDA, Sumemplang: "Nabirit lang po sir" 2

Gayunpaman, tumayo si kuya na parang walang nangyari at binalikan ang sumadsad na motor. Doon ay sinundan sya ng MMDA officer at sinabihan na ito ay nagtatangkang tumakas.

Kuya, Tinangkang Tumakas Sa MMDA, Sumemplang: "Nabirit lang po sir" 3

Hirit naman ni kuya,

“nabirit lang po sir”

Aniya ay hindi umano sya nagtatangkang tumakas mula sa pagkahuli dito. Pinakita naman ng MMDA ang violations ni kuya na kung saan ay wala itong sapin sa paa at helmet nang maaktuhan ng MMDA. Ito ay ang mga paglabag na nakita kay kuya.

Tampulan ng biro

Tampulan ng biro ngayon sa Facebook ang birit memes na syang pinagmulan kay kuyang motor rider. Anila ay isa na namang kamote rider ang nasampolan.

Kuya, Tinangkang Tumakas Sa MMDA, Sumemplang: "Nabirit lang po sir" 4

Pag-iingat sa pagmomotor

Pinapaalala naman sa lahat na sundin ang mga kaukulang batas at panuntunan sa pagbabyahe hindi lamang ng motor maging sa ibang uri ng sasakyan. Ito ay para sa kaligtasan ng lahat at hangad ay maayos at walang abala sa pagbyahe.

Ang katulad ng ginawa ni kuyang viral ay hindi magandang ehemplo sa nakararami, partikular na ang hindi pagsuot ng sapin sa paa at helmet na syang maaaring magdulot ng mas malalang sitwasyon kung ito ay makatagpo ng aksidente sa daan.

https://www.facebook.com/KARATista69/videos/544772889724226/

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: