Press "Enter" to skip to content

Kuya Wil, May Pa-ayuda Sa Mga Jeepney Driver At Tulong Sa Pamilya Ng Mga Nasawing OFW Sa Beirut!

Ipinahayag ni Willie Revillame na magpapaabot siya ng P5 milyong tulong para sa mga PUJ driver na napilitang mamalimos dahil sa pagkahinto sa pamamasada dulot ng pandemya. Inanunsyo rin niya na magbibigay siya ng P100,000 sa bawat pamilyang naulila dahil sa pagkasawi ng mga OFW sa naganap na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Ang pa-ayuda ni Kuya Wil

Dumalo sa unang pagkakataon si Willie Revillame sa naganap na news briefing ni presidential spokesperson Harry Roque at sinabi ang kanyang ihahandog na tulong.

“Sa sarili kong pinag-ipunan, dahil ako naman po ay may trabaho ngayon at siyempre napakahirap. Gusto kong tumulong una doon sa mga jeepney drivers. Sa tingin ko ito ang mga unang nangangailangan.”

Kuya Wil, May Pa-ayuda Sa Mga Jeepney Driver At Tulong Sa Pamilya Ng Mga Nasawing OFW Sa Beirut! 2
Photo Credit: GMA News

Ani pa ng “Wowowin” host,

 “I am willing to give, sa akin pong naipon, hindi naman ito pagmamayabang, ito lang ang puwede kong maitulong sa gobyerno kasi hindi naman ako puwedeng lumapit kay Mr. President, sa mahal na Pangulo na, ‘Ito ibibigay ko,’ hindi magandang tingnan. Siguro sa inyo (Roque) na lang, ang balak ko ho ay magbigay ng P5 million ngayon, sa araw na ito, at handa ako na ibigay sa jeepney drivers na talagang namamalimos na.”

Tuloy-tuloy ang pag-tulong

Aniya, tuloy parin ang kanyang programa na “Wowowin-Tutok To Win” na nagbibigay ng tulong sa mga manunuod.

Kuya Wil, May Pa-ayuda Sa Mga Jeepney Driver At Tulong Sa Pamilya Ng Mga Nasawing OFW Sa Beirut! 3
Photo Credit: Wowowin

Dagdag pa niya,

“Five million ngayon, next month magbibigay ulit ako ng five million para doon ho sa mga tao na talagang nangangailangan. Kung kakayanin ko monthly ito, sasabihin ko kay Secretary Harry Roque.”

Pahayag ni Roque, iaabot niya ang donasyong ibinigay ni Kuya Wil sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Department of Transportation (DOTr).

Tulong sa pamilya ng mga nasawi sa Beirut

Samantala, apat na pamilya naman ang mabibigyan ng tulong pinansiyal na P100,000 matapos na mangulila dahil sa pagkasawi ng kanilang mga mahal sa buhay sa naganap na pagsabog sa Beirut.

Kuya Wil, May Pa-ayuda Sa Mga Jeepney Driver At Tulong Sa Pamilya Ng Mga Nasawing OFW Sa Beirut! 4
Photo Credit: Aljazeera

Sabi ni Kuya Wil,

“‘Yung apat na pamilya po na naulila, I’m willing to give P100,000 each.”

Ang tulong pinansyal naman na ito ay nakatakdang ipamahagi sa mga pamilya sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: