Press "Enter" to skip to content

Kwarentang Sasakyan, Huli Matapos Paradahan Ang Bicycle Lane Sa EDSA

Quezon City, Philippines – Tinatayang kwarentang (40) sasakyan ang nahuli sa Quezon City nang dahil sa pag parada ng mga ito sa nasabing bicycle lane. Pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar nitong Miyerkules.

Banta ni Eleazar

Ayon kay Eleazar ay natikitan ang mga nahuli ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) – HIghway Patrol Group.

Winarningan naman ni Eleazar ang mga motorista na bigyang respeto ang mga kapwa nila motorista at huwag gamitin ang nakalaang bicycle lane para sa mga siklista.

Kwarentang Sasakyan, Huli Matapos Paradahan Ang Bicycle Lane Sa EDSA 2
Photo Credits: Philippine News Agency

Aniya,

“This should serve as a lesson and a warning for the motorists to respect the spaces intended for bicycle riders,”

Pinaalalahanan din niya na huwag naman ukupahin ng mga car drivers ang mga bicycle lane. Ito ay makatapos nilang makatanggap ng mga reklamo ukol sa pag gamit bilang parking space ng mga bicycle lane. Habang ang iba naman ay ginagamit ang lane na ito upang mag over take sa iba pang sasakyan kapag traffic.

Ang pagbabantay ng PNP

Ayon naman kay Eleazar ay patuloy na babantayan ng PNP ang mga bicycle lane hanggang sa maging disiplinado ang mga motorista.

Kwarentang Sasakyan, Huli Matapos Paradahan Ang Bicycle Lane Sa EDSA 3
Photo Credits: Philippine Star

Pahayag niya,

“This operation will continue until we are able to institute discipline among the motorists that bicycle lanes are for bicycle riders and they have no business using them [for] parking or encroach [on] these lanes to overtake or to avoid traffic jams,”

Inatasan naman ni Eleazar ang PNP – HPG at ang lokal na kapulisan upang mag karoon ng regular na pag papatrol para mabantayan ang bicycle lane at masiguradong walang private cars ang mag sasamantalang gamitin daanang ito.

Mga bicycle lanes sa EDSA

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inumpusahan ng Metro Manila Develpoment Authority (MMDA) ang pag lalagay ng bicycle lane sa EDSA.

Kwarentang Sasakyan, Huli Matapos Paradahan Ang Bicycle Lane Sa EDSA 4
Photo Credits: Manila Bulletin

Ayon kay MMDA Spokesperson Celina Pialago, dahil sa new normal na at ito na ang kadalasang gagamitin ng ilan sa ating mga kababayan bilang mode of transportation ay dapat lamang na magkaroon na ng sarili lane para sa mga bisikleta.

Aniya,

“We see the urgency of having bike lanes. Kailangan na magka bike lanes since ‘yon na ang bagong mode of transportation ng mga kababayan natin.”

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: