Press "Enter" to skip to content

Labanan Mo Ko Sa 170 Pounds, Sagot Ni Mcgregor Sa Pagbati Ni Pacquiao Ng Happy Birthday Kanya

Binati ni Manny Pacquiao si Connor Mcgregor sa Twitter ng “happy birthday” kamakailan. Agad naman itong sinagot ni Mcgregor ng isang hamon.

Ang Pagbati

Si Connor “the notorious” Mcgregor ay nagdiwang ng kanyang ika-32 na kaarawan noong July 14. At ang ating pambansang kamao ay di nag atubili na batiin ang superstar ng MMA ng “happy bithday’.

Labanan Mo Ko Sa 170 Pounds, Sagot Ni Mcgregor Sa Pagbati Ni Pacquiao Ng Happy Birthday Kanya 2
Photo Credit: Casino.org

Ang pagbati ni Pacquiao kay Mcgregor ay muling nagbukas sa posibilidad na maghaharap ang dalawa sa loob ng ring.

Matatandaan na dalawang ito ay hindi tinatangi ang pagnanais na labanan ang isat-isa sa ilalim ng boxing rules. Tiyak na malaki ang kikitain ng laban dahil ang dalawa ay popular sa mundo ng sport.

Ang sagot

Nagpasalamat naman si Mcgregor sa Pagbati ni Pacman. Ngunit sa dulo ng caption ay may nakalagay 170. Na ang ibigsabihin ay 170 pounds. Hinahamon niya si Pacquiao sa dibisyon na nabanggit.

Labanan Mo Ko Sa 170 Pounds, Sagot Ni Mcgregor Sa Pagbati Ni Pacquiao Ng Happy Birthday Kanya 3
Credit: Connor Mcgregor’s Twitter Account

Si Mcgregor ay kilala na pilyo at may pagka arogante. Ang katangian niyang ito ay kinagiliwan ng maraming fans. Ang sagot niya kay Pacquiao ay maaring panunukso o literal na hamon.

Si Connor ay nagretiro na bilang isang MMA fighter. Ngayon ay masayang namumuhay kasama ang kanyang maybahay sa bansang Ireland.

Payag kaya si Pacquiao sa 170 pounds

Ang ating 8 division world champion ay lumalaban sa 147 pounds. At ito ang nakasanayang timbang ni Pacquiao. Marami na siyang tinalo na world champions sa timbang na ito.

Labanan Mo Ko Sa 170 Pounds, Sagot Ni Mcgregor Sa Pagbati Ni Pacquiao Ng Happy Birthday Kanya 4
Photo Credit: Insider

154 pounds naman nang nilabanan at natalo niya si Antonio Margarito noong 2010. Sa edad na 41 ay mahihirapan ng makapag-adjust si Pacquiao ng timbang kung papayag siya 170 pounds.

Wala pang tugon mula kay Sen. Manny Pacquiao sa hamon o panunukso ni Mcgregor. Ngunit ang simpleng tweet na ito ay nag painit sa mga boxing fans at MMA fans sa buong mundo.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: