Press "Enter" to skip to content

Labi Ng Mga Namatay Sa Beirut, Ma-iuuwi Na

Last updated on August 11, 2020

Beirut, Lebanon – Naiulat na halos 137 na ang namatay at libo-libo ang sugatan matapos maganap ang isang malakas na pagsabog na gumimbal sa bansang Lebanon noong August 4, 2020. Kabilang dito ang 4 na OFW na namatay at tinatayang halos 42 pa ang sugatan at 2 pang nawawala.

Mga labi

Ihinayag ng Department of Labor and Employmeny o DOLE na ang katawan ng mga nasawing OFW ay tinatayang darating ngayong August 16, 2020. Napangalanan ang mga darating na labi nila Ardel Bustamante Maglangit mula Zamboanga del Sur, Perlita Guillermo Mendoza mula Ilocos Sur, Milagros Campo Sumaculon mula Guimaras at ng isa pang hindi pa nakikilalang OFW.

Labi Ng Mga Namatay Sa Beirut, Ma-iuuwi Na 2
Photo Credit: National Post

Mula sa salaysay ng DOLE na ang chartered flight na naka-tala sa Augst 16,2020 ay para sa nalalabing katawan ng mga nasawing OFW mula sa pagsabog. Sinisiguro naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mapadali ang paggasikasoang pagpapauwi.

Labi Ng Mga Namatay Sa Beirut, Ma-iuuwi Na 3
Photo Credit: Philippine News Agency

Karagdagang sugatan

Naihayag mula sa salaysay galing sa DOLE na ang ng apat na OFW’s ay maiuuwi din sa buwan na ito. Kabilang dito ang 13 na seafarers na lubhang naapektuhan ng pagsabog.

Labi Ng Mga Namatay Sa Beirut, Ma-iuuwi Na 4
Photo Credit: Facebook – Mar Peralta.vlog

Tinatayang mapapauwi sila nitong darating na August 20, 2020. Ang mga seafarers na mapapauwi ay pansamantalang nanatili sa Orient Queen Hotel. Sila ay sina Jomar dela Gente, Graciano Erese, Abbygyll Valdez, Analou Regino, Chuna Mae Galve, Miriam Padrie, Nestor Enrera, Michael Villanueva, Christopher Eller, Jordan Orobea, Denis Tanzo, Ryan Jeongco at Rio Adoyo.

Labi Ng Mga Namatay Sa Beirut, Ma-iuuwi Na 5
Photo Credit: Facebook – Mar Peralta.vlog

Agarang aksyon ng gobyerno

Ibinalita na ang Philippine Overseas Labor Office o POLO sa Beirut ay nagbigay ng tulong sa pamimigay ng gamit, bigas at pagkain kasama na rin ang mga lutuan, prutas, vitamins at mga damit sa mga apektadong OFW.

Labi Ng Mga Namatay Sa Beirut, Ma-iuuwi Na 6
Photo Credit: Facebook – Mar Peralta.vlog

Iniulat ng DOLE na ang mga biktimang OFW na namatay at sugatan ay pawang aktibong mga miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Binanggit ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na ang mga nasabing OFW’s ay kabilang sa mga mabibigyan ng benepisyo galing sa bansang Lebanon at Pilipinas.

SOURCE: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: