Press "Enter" to skip to content

Labor Sec. Bello, Hindi Naniniwalang ‘Basura’ Ang Kinakain Ng Displaced OFWs Sa Saudi

Kamakailan ay nag-viral ang balita na karamihan sa mga OFW mula sa Saudi Arabia ay nagbebenta na ng dugo upang may maipanggastos sa kanilang pangangailangan doon. Liban pa diyan, may mga kababayan din tayo doon na napag-alamang namumulot na lamang ng basura upang may makain. Ganunpaman, pinabulaanan ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Komento ni Sec. Bello

Nagpabatid ng pagdududa si Sec. Bello sa mga balitang naglabasan na namumulot na ng basura sa Saudi ang ilang displaced OFWs doon. Ayon dito, mga rejected fruit deliveries aniya at hindi basura ang kinakain ng mga ito.

Labor Sec. Bello, Hindi Naniniwalang 'Basura' Ang Kinakain Ng Displaced OFWs Sa Saudi 2

Ang komento na ito ay ipinahayag ni Bello sa isinagawang House probe ukol sa assistance na ibinibigay ng gobyerno laban sa krisis. Pahayag ni Bello,

“Naniniwala ba kayo na ang isang Pilipino, isang marangal at may dangal na tao, ay kakain ng basura? The truth of the matter is may mga dinedeliver na prutas sa groceries, iyong hindi pumasa sa groceries, iyon ang pinag-aagawan ng mga kasamahan natin,”

Hindi naniniwala

Mariing nagpahayag ito ng pagtanggi na ang isang Pilipino umano ay kakain ng basura.

“Di po ito basura. Hindi po ako naniniwala na may Pilipinong kakain ng basura. Ewan ko po sa inyo, your honor, pero wala pa akong nakitang Pilipino na kumain ng basura,”

Rejected delivery foods

Sinegundahan naman ni Philippine Ambassador Saudi Arabia Adnan Alonto ang pahayag ni Bello. Aniya ay ang mga tira-tirang pagkain na kinukuha ng mga OFW sa Saudi ay hindi basura. Ang mga ito ay gulay na hindi pumasa sa standard ng isanv grocery. Ito ay ayon sa report ng mga case officers sa kanilang ahensya. Dagdag pa riyan, ang mga diumano viral OFW na nangangalakal ng pagkain sa Saudi ay nabigyan na ng tulong. Ang mga ito ay nakatira malapit sa bakala, ang tawag sa mga minimarts doon.

“Ang pagkakaalam po natin, base po sa reports ng ating case officers, sila po ay nabigyan po sila ng tulong. Iyong location po nila, malapit sa bakala, iyong mga mini-marts po. Ang nangyari po, iyong mga gulay na di pumasa sa quality standard ng grocery, they go to the garbage, iyon po ang kinukuha ng mga kababayan natin,”

Ikinadismaya

Ikinalungkot ni Saudi Ambassador Alonto ang isang interview na kung saan ay nagpapakita ng paghihirap ng viral OFW na si Reynan Bancoro. Si Bancoro ang nainterview ng GMA ay diumano nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng 700 Saudi Riyals o P9, 100.

“Ang hindi ko lang po nagustuhan, iyong mismong nainterview, nakatanggap ng DOLE AKAP (financial assistance for displaced OFWs), 700 riyals po. Hindi siguro tama na gamitin iyong video na ito na maipakita na di natutulungan ng gobyerno,”

Scripted

Ayon naman kay Foreign Affairs Undersec Sarah Arriola, ang viral na pamumulot ng basura ng ilang OFWs sa Saudi ay scripted o staged lamang. Nagbabala ito sa mga OFW doon na mag-ingat sa pagpost ng mga video na walang katotohanan dahil maaari silang maparusahan ng cyberlibel sa ilalim ng batas ng Saudi.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: