Press "Enter" to skip to content

Lagot! Idol Raffy, Inaksyunan Ang Kaso Ng Pagkamatay Ng Ex-Army

Matatandaang isang retiradong sundalo ang namatay sa Quezon City matapos itong mabaril ng isang sa mga pulis na nagmamando doon. Agad namatay si retired CPL Winston Ragos at ang nakabaril ay si MSG Daniel Florendo Jr. Dumulog ang pamilya ng namatay sa RTIA at tinulungan naman sila agad.

Katanungan

Nais malaman ni idol Raffy kung: Ano nga ba ang dapat gawin ng mga awtoridad kapag sila ay nakakita ng taong kaduda-duda ang kilos? Ano ang dapat na ginagawa ng mga awtoridad kapag ang taong kanilang kinumpronta ay magdudulot ng panganib sa kanila at sa mga taong nasa paligid?

Lagot! Idol Raffy, Inaksyunan Ang Kaso Ng Pagkamatay Ng Ex-Army 1

Ano nga ba ang nakapaloob sa Rules of engagement (ROE) ng ating mga kapulisan pagdating sa ganitong sitwasyon? Para maging patas, kinuha ni idol Raffy ang panig ng pamilya ng namatay na sundalo at ang panig ng pulisya tungkol sa nangyari.

Pahayag ng pamangkin

Ayon sa pamangkin ni Ragos na si Fae Macahililg, bibili lang ng sigarilyo ang kanyang tiyuhin nang mapagkamalang sinusundan nito ang isang pulis. Nagsumbong umano ang pulis kay MSG Florendo na agad namang lumapit at malayo pa lang ay nakatutok na ang baril nito kay Ragos.

Lagot! Idol Raffy, Inaksyunan Ang Kaso Ng Pagkamatay Ng Ex-Army 2

Sa puntong iyon ay sinabihan ng mga tao si Florendo na “dating militar na nagkaroon warshock” ang biktima. Pero tila wala siyang narinig at lumapit na rin ang iba nyang kasama. Sinabi ni Fae na walang baril ang kanyang tiyuhin, tubig, gamot at ibang gamit lamang umano ang laman ng bag nito.

Pahayag ni General Eleazar

Ayon kay General Guillermo Eleazar, nagbigay ng direktiba ang pamunuan ng PNP na gumawa ng malalim na imbestigasyon sa nangyari. Sinabi nya na dahil nasa ECQ umano tayo ngayon ay dapat na walang lumalabag dito.

Lagot! Idol Raffy, Inaksyunan Ang Kaso Ng Pagkamatay Ng Ex-Army 3

Aniya, sinabihan umanong dumapa ng ilang beses si Ragos at hindi ito sumunod sa babala ng mga pulis. Sinabi rin nya na akmang bubunot ng baril si Ragos kaya ang aksyon ng pulis ay self-defense umano sa naka ambang panganib.

Hindi umano madaling ma-assess sa panahong ito ang mga pangyayari. Pero sa pagkakataong iyon ay “self-defense instinct” ang nanaig sa panig ng pulis. Alam umano ng pulis ang kanyang “responsibility at accountability”. Makakaasa umano si idol Raffy ng patas na imbestigasyon sa kaso.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang heneral sa pamilya ni Ragos. Pinangako nya na makaka-asa ang pamilya ng biktima na gagawin nila ang maayos na imbestigasyon at nasa kanila ang kanyang simpatya.

Pahayag ng ina

Kwento ni ginang Ragos, sa pagitan ng taong 2011 at 2012, may pagkakataong nadis-armahan si Ragos at natigil sa trabaho. Paulit-ulit syang nagpapa-ospital dahil sa stress at depresyon at kalaonan ay naging schizophrenia. Hanggang sa ni-rekomenda na siyang mag-retiro noong Enero, 2017.

Lagot! Idol Raffy, Inaksyunan Ang Kaso Ng Pagkamatay Ng Ex-Army 4

Nanawagan naman ito na sana ay mabigyan ng patas na imbestigasyon ang pagkamatay ng kanyang anak. Wala umanong baril si Ragos dahil wala itong kapasidad na gumamit nito. Hindi umano pwedeng kunsintihin ng kanyang pamilya na magkaroon ito ng baril dahil mapanganib din ito para sa kanila.

CIDG

Nakapanayam din ni idol Raffy si CDIG Chief Police Major Elmer Monsalve. Sinabi nga niya na patuloy ang kanilang imbestigasyon tungkol pangyayari. Ang mga video at kuha sa CCTV umano ang magiging ebidensya at gagawin nilang basehan sa paglutas ng kaso.

Lagot! Idol Raffy, Inaksyunan Ang Kaso Ng Pagkamatay Ng Ex-Army 5

Sinabi nya na, ang Police Operational Procedures (POP) sa ganyang sitwasyon ay dumistansya sa taong kahina-hinala at utusan itong dumapa. Sa pagkakataon na ito ay pinapadapa ng ilang beses ni MSG Florendo si Ragos.

Sinabi rin nya maari ng gumamit ng “excessive force” kapag mayroon ng napipintong panganib.

Idol Raffy

Ayon kay idol Raffy, sa ganitong panahon ay dapat mayroong sapat na kasanayan ang ating kapulisan. Mas mabuti umano na ang pagharap sa ganitong sitwasyon ay hindi kaagad ginagamitan ng baril.

Dapat daw na ang mga pulis ay mayroong sapat na kagamitan gaya ng bulletproof vest, taser, tear gas, flashlight, radyo, at body camera.

Lagot! Idol Raffy, Inaksyunan Ang Kaso Ng Pagkamatay Ng Ex-Army 6

Dagdag pa ni idol Raffy na kahit man lang tear gas at taser ay magkaroon ang bawat pulis. At isa pang higit na mahalaga ay sapat na kasanayan sa pag gamit ng mga kagamitan na meron sila. Ito ay maliban pa sa kanilang kaalaman sa self-defense.

Ayon kay Atty. Gareth Tungol, ACT-CIS partylist, sa oras na kahina-hinala na ang kilos ng isang tao ay maaaring magsagawa ng kapulisan ng tinatawag na stop-and-frisk o Terry search. Ito ay ang pagpapatigil sa kahina-hinalang tao upang tingnan o kapkapan para hindi na umabot sa pag gamit ng baril.

Tulong

Nangako si idol Raffy sa pamilya ng yumao na tutulungan sila sa abot ng kanyang makakaya. Tinulungan sila sa kanilang pangangailangan gaya ng pera at masasakyan para maasikaso ang pagpapalibing ky Ragos. Paunang tulong pa lang ito dahil tutulungan din sila sa pagpapasa ng kaso pagkatapos nito.

Lagot! Idol Raffy, Inaksyunan Ang Kaso Ng Pagkamatay Ng Ex-Army 7

Tinulungan naman ng RTIA ang pamilya para maasikaso ang mga dokumento na kinakailangan sa pagpapalibing dito. Sinamahan si nanay Merlyn sa tanggapan na nangangasiwa sa libingan ng mga bayani. Ang yumaong sundalo ay nakatakdang ilibing sa darating na Martes, April 28.

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: