Press "Enter" to skip to content

Lalaki Sa Saudi Patay, Matapos Pabayaan Ng Mga Kasamahan!

Kalunos lunos ang sinapit ng isang lalaking OFW sa Saudi Arabia kung saan ito ay namatay, matapos pabayaan ng kanyang mga kasamahan sa kanilang tinutuluyan. Ang sinasabing dahilan diumano ng kapabayaan ay dahil sa batas na pinaiiral sa nasabing bansa.

Ang pagsaklolo

Sa video na inupload sa social media noong ika-22 ng Mayo ay makikita kung paano sinubukang saklolohan ng kapwa nito mga pilipino ang lalaki mula sa kanyang tinutuluyan kung saan nadatnan na lamang nila itong nanghihina at halos manigas na. Galit na galit ang nag video dahil sa kapabayaan na ginawa ng mga kasama nitong mga arabo.

Ang Pagsaklolo- OFW
Photo Credit: Facebook

Ayon pa dito, halos mangitim na ang kuko ng lalaki dahil sa tagal na pinabayaan ito sa kanyang higaan at hindi agad dinala sa hospital. Itinuturo pa nito sa video ang mga arabo at ang haris na syang nagpabaya diumano sa lalaki na kasama nito sa tinutuluyan.

Ang pagdala sa hospital

Nang araw din iyon ay natagalan pa bago nadala ang lalaki sa hospital at wala diumanong ambulance o kahit police man lang na rumesponde dito. Kaya nang maisakay ang lalaki ay sinabi nitong wala nang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ito dahil sa tagal na nitong napabayaan ng mawalan ng malay.

Ang Pagdala- OFW
Photo Credit: Facebook

Sa nangyaring kapabayaan ay nagalit din ang driver ng sasakyan na sumaklolo, ang driver ay isa ding pilipino. Dagdag pa ng nag video ay wala daw talaga diumanong pakialam ang mga lahing ito pag dating sa mga pilipino na naroon sa kanilang bansa, sa katunayan ay tumanggi ang haris na sumama sa mga ito sa hospital na syang tinuturong may responsibilidad sa nangyaring kapabayaan sa lalaki.

Ang dahilan sa kapabayaan

Ayon naman sa mga kumento sa video ang sinasabing dahilan kaya ito ay pinabayaan, ay dahil sa batas na ipinatutupad diumano ng bansang Saudi Arabia kung saan hindi maaring hawakan ninuman ang isang namatay dahil maaring ito ang maituro na pumatay at tanging pulis o mga responder lamang ang maaring humawak sa nasabing lalaki. Bagay na pinabulaanan naman ng ibang kababayan na naroon sa nasabing bansa.

Narito ang nasabing video

Posted by I-Radio on Thursday, May 21, 2020

Source: I-Radio

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: