Press "Enter" to skip to content

Lalaking Hinatid Ang Hipag Na Frontliner, Tinicketan Ng Halagang P5,000 Ng MMDA

Viral ngayong ang Facebook post ng isang lalaking sinita at ticketan ng isa sa mga MMDA officer habang naka-motorsiklo at angkas ang kaniyang hipag na isang Frontliner sa Q.C. hospital. Ito ay dahil umano sa hindi nila pag-sunod sa social distancing na mahigpit na ipina-patupad habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Bawal ang angkas

Ayon sa post ni Michael Villanueva, isinaad niya ang paninita sakanila ng isang MMDA officer dahil bawal umano ang angkas at kanilang inilalabag ang social distancing. Ipinaliwanag ni Michael na ang kaniyang sakay ay ang hipag na isang frontliner sa Q.C. hospital. Aniya, galing pa sila sa Tungko, Bulacan at walang dumadaan na shuttle roon kung kaya’t napag-pasiyahan nila na ihatid ang kaniyang hipag.

Lalaking Hinatid Ang Hipag Na Frontliner, Tinicketan Ng Halagang P5,000 Ng MMDA 2
Photo credits to Michael Villanueva

Matapos ang kaniyang paliwang, tila hindi ito pinakinggan ng MMDA officer at hiningi nito ang kaniyang lisensya at saka siya tineckitan. Dagdag pa ni Michael, sinabihan pa umano siya nito na maari niyang bayaran ang ticket sa Cebuana o Palawan.

Paki-usap

Sinubukan naman raw ni Michael na maki-usap rito, ngunit hindi sila pinakinggan at pinababa pa nito sa motorsiklo ang kaniyang hipag at sinabing isasakay na lamang siya sakanilang service.

Lalaking Hinatid Ang Hipag Na Frontliner, Tinicketan Ng Halagang P5,000 Ng MMDA 3
Photo credits to Michael Villanueva

Matapos naman ang 30-minuto na paghihintay sa gitna ng initan, wala pa rin umanong nasakyan ang hipag ni Michael. Mayroon naman raw dumaan na bus, ngunit hindi sila hinintuan. Matagal na paghihintay umano ang kanilang ginawa at saka lamang sila sinabihan ng MMDA na sumakay nalang uli sa motorsiklo dahil naticketan naman na sila.

Lalaking Hinatid Ang Hipag Na Frontliner, Tinicketan Ng Halagang P5,000 Ng MMDA 4
Photo credits to Michael Villanueva

Sa huli, naticketan umano si Michael ng nagkakahalagang P5,000.

Bigyang atensyon

Sinabi naman ni Michael na ang nais niya lang naman ay makatulong sa mga healthworkers kahit sa simpleng paraan lamang. Nanawagan ito sa alkalde ng lungsod na bigyan umano ng exemption ang mga frontliners at bigyang atensyon ang mga sitwasyong katulad ng naranasan nila.

Sinabi rin nito na ang mga healthworkers ay hindi lamang nagtatrabaho para may mapakain sakanilang mga pamilya, sila rin umano ay nagtatrabaho upang matulungan tayo lalo sa sa pangmedikal na higit na kailangan sa panahon ngayon.

Source: Michael Villanueva

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: