Press "Enter" to skip to content

Lalaking Nag Post Ng Fake News Tungkol Sa COVID-19, Kalaboso Sa Singapore

Rehas ang hinihimas ngayon ng isang lalaki sa Singapore matapos mahuling nagpapakalat ng fake news tungkol sa COVID-19. Hinatulan siyang makulong ng apat na buwan bilang parusa sa kanyang pagkakamali.

Fake news

Nakilala ang lalaki bilang si Kenneth Lai Yong Hui, 40 taong gulang, at isang taxi driver sa bansang Singapore. Ayon sa ulat, nagpadala ng mensahe si Hui sa isang private group chat sa Facebook. Sabi niya sa mensahe, pinag iimbak niya ng pagkain ang mga miyembro ng grupo dahil isasara daw ang mga food outlet sa nasabing bansa dahil sa COVID-19.

Lalaking Nag Post Ng Fake News Tungkol Sa COVID-19, Kalaboso Sa Singapore 2
Photo Source: GMA Network

Aniya, isasara ang mga food court at coffee shop, maging ang mga supermarket ay dalawang beses lang sa loob ng isang linggo magbubukas. Ang nasabing Facebook group kung saan ipinadala ang babala ay mayroong 7,500 na miyembro.

Reklamo laban kay Hui

Marami sa mga miyembro ng grupo ang nagalit kay Hui dahil sa pagpapakalat nito ng fake news. Isa sa kanila ay dumulog sa pulis upang ireklamo ito. Umabot sa korte ang reklamo laban kay Hui.

Depensa ni Hui, 15 minuto pagkatapos na mai-post ay binura na agad niya ang mensahe. Subalit, hindi tinanggap ng korte ng kanyang alibi. Ayon kay Deputy Public Prosecutor Deborah Lee, ang laban kontra sa pagkalat ng takot sa mga tao ay kasing halaga ng laban kontra COVID-19.

“The psychological fight to allay fear and hysteria is just as important as the fight to contain the spread of COVID-19.” ani Lee

Hatol ng korte

Kaya naman nag desisyon ang public prosecutor na sintensyahan si Hui upang maging aral sa iba at huwag ng gayahin pa. Nitong Miyerkules, ibinaba ang hatol na apat na buwang pagkakakulong kay Hui.

Mahigpit ang bansang Singapore sa usaping pagpapakalat ng maling impormasyon. Patunay na dito ang naging hatol kay Hui. Kung mapapatunayang may sala, maaring makulong ng hindi hihigit sa tatlong taon o mag mumulta ng hindi hihigit sa $10,000. Maari ring ipataw ang parehong parusa depende sa bigat ng kaso.

Source: Balitambayan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: