Press "Enter" to skip to content

Lalaking Nagtatanong Lang Tungkol Sa Relief Goods, Ginulpi Ng Mga Opisyal Ng Barangay

Isang lalaking nagtanong lang tungkol sa relief goods ang walang awang ginulpi ng mga opisyal ng kanilang barangay. Ngunit depensa ng mga kawani ito daw umano ang naunang nanggulo at tinangkang mang-agaw ng nasabing ayuda.

Pambubugbog

April 23 – Sa Barangay 66 Caloocan City kung saan naganap ang nasabing pambubugbog ng mga opisyal ng barangay kay Ramil o alyas “Kulet”. Ito ay nangyari habang ang mga opisyal ay namimigay ng nasabing mga ayuda sa kanilang lugar.

Lalaking Nagtatanong Lang Tungkol Sa Relief Goods, Ginulpi Ng Mga Opisyal Ng Barangay 1

Ayon sa kaniyang ina nagtatanong lang di umano ang anak tungkol sa mga relief goods na ipinamimigay ng bigla na lamang daw itong pinagbubugbog. Makikita din sa video na inupload ng isang concern citizen na nakahiga na sa kalsada at pinagkakaisahan na ng ilan pang mga lalaki si kulet ng araw na iyon ng huwebes.

Pinipili

Hinala naman ng ama nito ay napag-initan ang kaniyang anak, dahil ito ay nagreklamo sa kanilang lokal na pamahalaan. Ito ay tungkol sa umano ay pinipili lang ng barangay chairperson ang mga bibigyan ng relief packs.

Dahil sa relief goods.

“Hindi makatarungan ang ganoon. Hindi ko masabi ano’ng klaseng ugali mayroon ang mga taong ‘yan,” ani Mercedes sa kaniyang panayam. Itinanggi din ni Ramil na nang gulo siya sa gitna ng pamimigay, ni hawak umano ay hindi niya ginawa sa nasabing ayuda dahil siya di umano ay hinaharang ng nasabing mga kawani.

Reklamo

Si Ramil ay nakakulong ngayon sa Caloocan Police Community Precinct 2 sa mga reklamong unjust vexation at physical injury. Ayon naman sa isang kawani ng barangay na tumangging magpapangalan, hindi kumpleto ang kumakalat na video sa social media ngayon.

Dahil sa relief goods

Una daw nang agaw si Ramil ng ayuda na siyang pinagmulan ng gulo, kaya hindi na nakapagpigil ang kanilang punong barangay at ito ay nasaktan dahil sa galit.

Salaysay

Base din sa sinumpaang salaysay ng chairperson, sinigawan at minura siya ni Ramil sa barangay hall bago ito dalhin sa presinto. Tumanggi nang magbigay ng pahayag si barangay chairperson Ferdinand Lapira tungkol sa nangyari.

Dahil sa relief goods

Itinanggi naman ni Ramil ang lahat ng mga paratang na ito sa kanya. May ilang mga residente din na nagbigay ng hating kumento patungkol sa pangyayari.

Mga komento

“Ang bilis ng pangyayari. Nandoon sina [kapitan] nagbibigay ng relief. Biniro lang [ni Ramil], nagalit si kap. Bugbog sarado inabot ng batang ‘yan,” sabi ng saksing si alyas “Gina.”

Dahil sa relief goods

“Si Ramil ay pilit inaagaw ang relief… Ang ginawa niya hindi tama,” ani alyas “Rosa.”

Umaasa naman si Ramil at ang kaniyang pamilya na lalabas din ang totoo at maayos din lahat ng ito. Manaig nawa ang awa sa kabila ng krisis na pinagdadaanan ng ating bansa ngayon.

Narito ang nasabing video:

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: