Press "Enter" to skip to content

Lalaking Natutulog Sa Kanto, Pinagpapalo Ang Mukha; Tinanggihan Pa Sa Ospital Dahil Walang Kamag-anak

Kalunos-lunos ang itsura ng isang lalaki na napag-tripan ng mga di pa nakikilalang kalalakihan. Pinaghahampas kasi ang mukha nito habang natutulog sa isang kanto sa Caloocan.

Natutulog lang

Nakilala ang biktima bilang si Leonardo Gardose na residente ng Caloocan City. Ayon kay Andria Anna Bufete Camayo, natutulog lang sa kanto ng Samson Road sa Caloocan ang biktima ng paghahampasin ito sa mukha ng suspek.

Lalaking Natutulog Sa Kanto, Pinagpapalo Ang Mukha; Tinanggihan Pa Sa Ospital Dahil Walang Kamag-anak 2

Dahil dito, nagkasugat-sugat ng malala ang biktima. Makikita sa larawan na halos maligo na ito sa kanyang sariling dugo dahil sa nangyari. Hindi na rin halos makilala ang mukha ni Gardose dahil sa natamong sugat.

Tinanggihan ng ospital

Sinubukan ng mga nakakita na isugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit tinanggihan sila na i admit kahit man lang sa emergency room. Katwiran ng mga staff ng ospital ay walang kasamang kamag-anak ang biktima kung kaya di nila ito pwedeng tanggapin.

Lalaking Natutulog Sa Kanto, Pinagpapalo Ang Mukha; Tinanggihan Pa Sa Ospital Dahil Walang Kamag-anak 3

Dahil dito, walang nagawa ang mga nais tumulong sa kanya kundi ang lagyan ng pansamantalang lunas ang sugat ni Gardose. Mababakas sa mukha ni Gardose ang iniindang sakit mula sa kanyang mga sugat.

Galit na galit ang mga netizen sa gumawa nito kay Gardose maging sa ospital ng Caloocan. Anila, walang puso ang gumawa nito sa kanya at dapat itong mahuli agad. Kaya naman nais nilang makita ang mga CCTV sa paligid ng nasabing pinangyarihan upang makilala ang suspek.

Reaksyon ng mga netizen

Maging ang ospital ay hindi nakaligtas sa galit ng mga netizen. Kung alin pa umano ang inaasahang tutulong sa panahon ng emergency ay siya pa ang unang tatalikod sayo. Hindi rin umano tama na tanggihan si Gardose dahil lang sa wala siyang kamag-anak.

Lalaking Natutulog Sa Kanto, Pinagpapalo Ang Mukha; Tinanggihan Pa Sa Ospital Dahil Walang Kamag-anak 4

Sa ngayon, nananawagan si Andria sa sino man ang nais tumulong kay Gardose. Hindi naman siya nabigo dahil may ilang netizen ang nais tumulong kay Gardose. Pinanawagan na rin nila ito sa mga programa na tingin nila ay makakatulong kay Gardose tulad ni Raffy Tulfo at Willie Revillame.

Source: Adria Anna Bufete Camayo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: