Press "Enter" to skip to content

Lalaking Tumanggap Ng P6,500 Na Ayuda, Bumili Ng ShAbu; Mga Nagtutupada Arestado Rin

Sa gitna ng laban ng bansa sa COVID-19, marami pa din ang hanggang ngayon ay nababahala dahil sa kawalan ng trabaho at mapagkakakitaan. Isang buwan na ang nakalilipas nang ipatupad ng gobyerno ang enhanced community quarantine sa buong Luzon. Tanging ang ayuda mula sa gobyerno ang inaasahan ng milyon milyong Pilipino na apektado ng krisis.

Sa mga nakatanggap na ng ayuda, paano nga ba ang ilan sa mga ito binadyet ang pera habang hindi pa inaalis ang ECQ sa Luzon?

Dr0g4

Isang lalaki ang napabalitang ginamit ang natanggap na ayuda pambili ng ipinagbabawal na gAm0t. Ayon sa balita ng GMA 24 Oras, isang lalaki mula sa Bacoor, Cavite ang inaresto dahil ipinambili ng dr0g4 ang natanggap na P6,500 na ayuda mula sa gobyerno.

Lalaking Tumanggap Ng P6,500 Na Ayuda, Bumili Ng ShAbu; Mga Nagtutupada Arestado Rin 2

Kinilala ang suspek bilang si Clark Jerel Navalta, pa-extra extra sa isang construction site. Ayon sa suspek, sinubukan lamang nito ang pinagbabawal na gamot upang lumakas diumano sa pagtatrabaho.

Tupada

Apat na lalaki naman ang arestado din ng Bacoor Police na kung saan ay huling nagsasabong o tupada. Ang mga ito ay huli sa aktong nagtutupada sa Barangay Zapote 5, Bacoor Cavite nito lamang Martes. Napag-alaman pa ng kapulisan na dalawa sa arestadong mga lalaki ay benepisaryo ng Social Amelioration Program ng DSWD. Ayon kay P/LT Col Vicente Cabatingan, ang dalawang benepisaryo ng SAP ay nakapag-fill up na ng form at naghihintay na lamang ng pagdating ng ayuda.

Lalaking Tumanggap Ng P6,500 Na Ayuda, Bumili Ng ShAbu; Mga Nagtutupada Arestado Rin 3

Ang mga nahuling manok naman mula sa mga nagtutupada ay kinatay at pinakain sa mga nakakulong sa presinto.

Reklamo ng netizens

Hinaing ng netizens, dapat ay maging matalino sa pagbibigay ng ayuda ang gobyerno. Anila ay mas marami ang tunay na nangangailangan ang hindi nakakatanggap ng ayuda at mas deserving sa tulong. Maraming netizens ang nagpabatid ng inis at galit sa mga suspek hindi lamang dahil nabigyan ang mga ito ng ayuda ngunit hindi ginamit sa tama bagkus ay pasaway pa ang mga ito sa ECQ protocol na social distancing bunsod ng pagtaas ng kaso ng may covid.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: