Press "Enter" to skip to content

Landbank, Magpapahiram Sa Mga Maliliit Na Negosyo Na Umaaray Sa Lockdown

Naglunsad ng loan program ang Landbank para sa mga small at medium enterprises. Ito bilang tulong sa mga negosyong apektado ng krisis sa coronavirus disease 2019. (COVID-19).

Ang pautang

Naglunsad ang Land bank ng programa upang I-Rescue ang mga small at medium enterprises sa panahon ng crisis. Ito ay naglalaan ng P10-bilyon budget na pautang para sa mga negosyo. Ayon kay Cecilia Borromeo, presidente at CEO ng Landbank.

Landbank, Magpapahiram Sa Mga Maliliit Na Negosyo Na Umaaray Sa Lockdown 2
Philippine Star

Hanggang 85 porsiyento ng kanilang working capital ang maaaring iutang ng mga aplikante. Kunwari, ang kailangan ng mga negosyante na paikutin na working capital para sa kanilang mga imbentaryo at saka sa kanilang mga receivables ay P1 milyon.

Landbank, Magpapahiram Sa Mga Maliliit Na Negosyo Na Umaaray Sa Lockdown 3
Flickr

Ang naturang banko ay pwedeng magpautang sa small and medium enterprise ay up to P850,000. At ang kanilang magiging equity naman ay P150,000.

Paraan ng pagbabayad

Ayon pa kay Borromeo, maaaring bayaran ng mga negosyo ang loan sa loob nang 5 taon at magbibigay din sila ng grace period. Nasa 5 porsiyento rin ang interes sa pautang at hindi naman daw ito tataasan sa loob nang 3 taon.

Landbank, Magpapahiram Sa Mga Maliliit Na Negosyo Na Umaaray Sa Lockdown 4
Rappler

Nag-aalok din ang I- RESCUE ng muling pagsasaayos ng additional loan, extended repayment period o sa pamamagitan ng iba pang paraan (o kombinasyon ng mga paraan). Ang pautang ay maaaring mapalawak ng hanggang sa maximum na 10 taon. Ito ay may hanggang sa 3 taon na additional loan, extended repayment period na depende sa cash flow.

Malaking tulong

Ibibigay din ito ng Landbank sa mga kooperatibang nagpapahiram sa mga maliliit na negosyo at microfinance institutions. Malaking tulong umano ito sa mga negosyong malaki na ang nalugi mula noong ipinatupad ang enhanced community quarantine.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: